Kas POV
Pagkatapos namin kausapin si Xandra ay tinuloy na namin ang pag liligpit ng mga gamit namin. Sinubukan ko siyang pilitin na sumama pero ayaw niya talaga. Hindi daw siya papayagan at ayaw niya din naman daw gumastos ng malaki para lang sa gagamitin niya sa acquaintance party. Wala na akong nagawa doon at hinayaan nalang siya.
Nilagay ko nalang basta lahat ng libro ko sa bag ko at sinara na yon. Gusto ko ng umuwi para maka pag ayos din ako ng gamit na daldalhin ko. Mag sasabi pa ako kila mama at paniguradong kung ano ano nanaman ang sasabihin sakin ni kuya mamaya!
"Kas, Let's talk. Anatayin kita sa labas" Gulat akong napa lingon sa likod ko dahil sa biglang pag tawag sa akin ni Kyle. Lumabas na siya sa room at taka naman akong napa tingin sa pintong nilabasan niya.
Ano kayang problema non? Hay, ewan! Natigilan din tuloy sila Zana sa pag liligpit ng gamit nila at tumingin sakin at sa pintong nilabasan ni Kyle. Nag pa balik balik lang doon at sa akin ang tingin nila.
"Sundan ko lang ha?" Sabi ko kay Zana at saka itinuro yung pintong nilabasan ni Kyle.
"Sure." Medyo alanganin na sabi ni Zana. Naglakad naman na ako sa may pinto para sundan si Kyle palabas. Ano kayang problema non? Bakit kailangan na sa labas pa kami mag usap? Pwede naman na doon nalang sa loob. Ewan!
Paglabas ko ng room ay nandoon na si Kyle at nakasandal sa may railings. Tahimik akong tumabi sa kanya at sumandal nalang din sa railings.
"Why?" TAnong ko sa kanya kaya napa lingon siya sa akin.
"Pupunta ka ng US?" Tanong niya habang naka tingin sa sahig. Ano bang meron don? At saka Bingi ba siya? Nadinig niya naman siguro kanina yung pinag uusapan namin ng girls. Tss.
"Yeah, why?" Tanong ko at saka tumingin sa kanya.
Kyle POV
Tatanongin ko sana si Kas kung pwedeng sumama ako sa US, but fuck! Wala akong lakas ng loob! Fucking shit! Kyle, you're a goddamn STANFORD! Kaya mong gawin lahat ng gusto mong gawin rember!
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto kong sumama! Ang papansin ko naman ata non kung sasabihin kong gusto ko lang. Parang nakiki tag along lang sa kanila ang dating ko non. At isa pa puro sila babae.
Ano ba kasing magandang dahilan na pwede kong sabihin sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto ko lang siyang maka sama. She'll surely find it weird! Ano bang nangyayari sakin?!
"Ingat ka ha." Bigla nalang yon lumabas sa bibig ko, fuck! Ano ba Kyle, pull yourself together! Unti unti na akong nagbabago, and I can feel it. Shit!
"Hmm oo naman. Yun lang ba ang sasabihin mo? Pinalabas mo pa ako! Pwede naman na sabihin mo nalang yan don sa loob ng room!" Sabi niya at saka ako pabirong hinampas sa braso ko. Nag katinginan kami saglit at sabay kaming natawa. What the hell?! Hindi ko din alam kung bakit pero tawang tawa din ako?
Bakit ba ang sarap niyang kasama? Tapos bakit parang mas gumaganda siya pag natawa siya o naka ngiti. I don't know, parang lumalabas yung ganda niya kapag naka ngiti siya. Wait, what? What did I just say? Maganda? Rally Kyle?! Fuck! What the hell! Ano nanaman bang pumasok sa isip ko at nasabihan ko pa talaga siya ng maganda? Shit, nababaliw na ata ako.
BINABASA MO ANG
But I Still Fall
Teen FictionCompleted What if you met someone that makes you fall in love again? But what if that someone is able to make you feel broken into pieces again? [Highest rank achieved: #11 in heartache] Date Started: 07|14|20 Date Finished: 04|22|21 Completed (Und...