Chapter 4

225 18 2
                                    

Kas POV

After nung pag ka bangga sakin ni Kyle ay umalis na ako at habang nag lalakad papuntang parking lot ay bigla nalang tumunog yung cell phone ko at agad ko naman yung sinagot.

"Bakit Zana?"

"Queen we need back up now."

"Asan kayo? Sino-sino ang kasama mo?"

"Sa likod nang SU. I'm with Alex, Chelsea, and Faye."

"Ano? Bakit nasa likod kayo nang SU? Bakit hindi nyo ako sinabihan na may mangyayari sa likod nang SU ngayon?"

"Sorry bess. Alam namin na first day mo today eh. And kailangan na talaga namin ang buong grupo nag tawag na sila nang iba pa we need everyone. Ayoko naman umuwi ng may gasgas yung mukha ko!" Napailing nalang ako sa sagot nya at mahinang natawa.

"Okay. I'm coming papapuntahin ko din dyan lahat." Pag kasabi ko non ay binababa na agad yung tawag at tinawagan ko naman si Viela. After 3 rings ay sumagot na din agad sya. 


"Yes, Queen. Need anything?" sagot nya naman.

"Just call me Kas. Wala naman tayo sa meeting or something. By the way call every one and go at the back of the SU now."

"Sorry nasanay lang sa Queen. And what? Anong meron Queen?" Napa irap nalang ako ng tawagin nya nanaman akong queen. 

"Nandon na sila Faye, Zana, Alex at Chelsea. Hindi nila ako sinabihan na merong mangyayari doon ngayon. So just call everyone and go there. Hindi ko din alam kung anong nangyayari. Are we clear?"

"Got it. We're going."

After non binilisan ko na ang pag lalakad ko papunta sa parking lot dahil alam kong nandon na sila ate at kuya inaantay ako. Pagdating ko don ay agad kong binuksan yung pinto sa back seat at binaba yung gamit ko.

"Ate, Kuya, I need to go may emergency sa likod nang SU. Alam nyo naman ako please."

"Hay nako Kas. Sige na nga wag kang masyado mag papagabi okay?" Sabi ni kuya sakin at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit! Pumasok naman ako sa sasakyan at umupo muna at saka ko  tinanggal yung salamin ko at nag lagay nang contact lenses. Dahil lagi akong ready tinaktak ko yung laman nang bag ko na pang school at binalik don yung dala ko na kakailanganin ko. Tapos Inabot sa akin ni ate yung isang paper bag na lagi kong iniiwan dito sa sasakyan. Nilagay ko din yun sa bag ko. Isang set yun ng damit, black pants at blue t shirt and a leather jacket. Lagi akong may dalang ganIto sa sasakyan namin in case of emergencies.

"Yes! Thank you ate and kuya. Paki sabi nalang kila mama at papa maiintindihan naman nila eh" Sabi ko at saka ngumiti. 

"Oo sige na at mag bibihis ka pa dali na." Sabi ni ate kaya napangiti nalang ako. Naiintindihan talaga nila ako. Pagkatapos non ay lumabas na ako at tinakbo yung pinakamalapit na cr at doon nag bihis.

Pagkatapos kong magbihis ay naglakad nalang ako papuntang likod nang school para hindi ako mahalata na may nangyayari sa likod dahil meron pang ilang studyanteng naiwan sa campus. Tinawagan ko muna ulit si Viela habang nag lalakad.

"Viela mag kita kita tayo malapit sa gate sa likod nang school at dapat bihis na kayo at mag dala kayo nang sasakyan na gagamitin ko."

"Yes Queen papunta na kami dyan."

"I said call me Kas. Bess naman!" Naiinis na sabi ko at narinig ko naman sya na tumawa lang.

But I Still FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon