Chapter 21

48 5 0
                                    


Kas POV

It's been a month after what happened in the room. Aaminin ko nagulat ako don. Natapos ang araw na yon na hindi dumating si Blake.

Sabay na kaming pumapasok ni Kyle sa school ngayon dahil lagi na syang nasa bahay at sinusundo ako. Nag paalam pa sya kila mama na manliligaw na sya the first day na sinundo nya ako. Nagulat sila dahil doon pero pinayagan din naman si Kyle.

Kuya is pissed to know that. That morning kinausap nya si Kyle at pinagalitan ako for not telling them. Pero dahil hindi ako kayang tiisin ni kuya pumayag din sya. Ate was so loud may pag irit pa sya that morning na tinawanan lang naman ni mama at papa.

Nasa school ako ngayon. Nang matapos ang last class ko ay naka tanggap ako ng text agad kong kinuha ang phone ko expecting a message from Kyle. Surprisingly hindi lang si Kyle ang nag text.

Kyle:

"Kas, tapos naba last class mo? Susunduin ba kita dyan? Nandito ako sa parking lot."

Maagang natapos at class nila dahil wala silang teacher sa last subject nila.

Blake:

"Kas, nasa parking lot ako. Can we talk?"

I was surprised to Blake's message. Okay na kaming tatlo ngayon at naka pag usap na din kami pero hindi ko alam bakit iba ang pakiramdam ko at pumunta pa talaga sya dito.

Hindi na ako nag reply sa kanila. Dumeretso nalang ako pababa sa parking lot.

Pag dating ko don nakita ko si Kyle at Blake na nag uusap. Sabi na nga ba at mag kikita din sila. Lalapit na sana ako sa kanila ng marinig ko silang nag uusap.

"Aalis na ako Kyle." what? Aalis na sya?

"What? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ngayon sana ako mag papaalam sa inyo ni Kas mamayang gabi ang flight ko."

"Saan ka pupunta?" okay naki singit na ako sa kanila ng maka lapit ako. Mukha naman silang nagulat dahil sa pag sulpot ko.

"Saan ka nga pupunta?" ulit ko at saka tumingin kay Blake.

"US. babalik na ako don." sabi nya at saka ngumiti. Bakit aalis pa sya?

"Akala ko ba okay na tayo? Bakit aalis kapa?" this time si Kyle na yung nag tanong.

"I know. Okay na tayo. At masaya ako dahil don. But I need to go back because-" hindi na natapos ni Blake yung sinasabi nya ng biglang mag ring yung phone nya. Tumingin muna sya samin na parang nag papaalam at saka nya sinagot yung tawag nang pareho kaming tumango ni Kyle.

"What?!" sagot nya dun sa tawag napailing nalang ako. May pumasok na sa isip ko kung sino yung na tawag sa kanya. Isang tao lang ang nakakapag pairita sa kanya ng ganyan.

"Yeah yeah. Whatever." sabi nya at saka umirap. Na tawa na ako this time. Tama ako. Thats probably Eunice. Bumalik na sya sa harap namin ni Kyle at tinago yung phone nya.

"Pinapauwi kana." sabi ko at saka lalong tumawa ng makita kong naiirita sya.

"Stop it."

"You miss her?" I teased him more kaya inirapan nya ako.

"Hey nandito pa ako! Sino ba yon? Girlfriend mo?" biglang singit ni Kyle kaya lalo akong na tawa.

"Hindi!" sabi ni Blake at saka ginulo yung buhok nya. Sabay kaming tumawa ni Kyle kaya lalo pang nainis si Blake sa amin.

"Oh pano aalis na ako? Mamayang gabi na ang flight ko." sabi nya at saka ngumiti. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Niyakap nya din ako pabalik.

But I Still FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon