Chapter 2

220 42 6
                                    

Leah's Pov.

Matapos nga nakakapagod na trabaho ay sa wakas makakapahinga narin sila.

"Haist, nakakapagod ang araw na to!"
Ani Mae na binibinat pa ang kaliwang kamay.

"Alam nyo bang may nakilala kaming driver sa labas?"
Ani zia.
Galing sila sa labas ni Mae.

"Mukhang hot! "
Dagdag naman ni Mae.

"Nagulat nga ako roon kahapon kasi bigla nalang susulpot  sa likod ko."
Sabi ko.

"Ah, kaya naman pala nagtataka yon, kung bat mo raw tinalikuran at di man lang pinansin, pero sa totoo lang bata pa sya siguro tumanda lang ng dahil sa begoti."
Ani zia.

"At nga pala pinapatanung kung anu raw pangalan mo."
Si Mae na nagtaas baba ang kilay habang nakangisi.

"Anong sinabi mo?"

"Syempre Hindi namin Sinabi,
Tsk. Kami ang nakikita sa harapan pero Iba ang hanap? ganda mo rin anuh!?"

Sabay irap ng dalawa pero kalaunan ay nagtawanan rin sila, ganito na talaga silang apat sanay na sa pikunan.

"Pero binigay ko number mo."
Dagdag na sabi ni zia sabay peace sign.

Lumaki naman ang mata nya sa sinabi nito kaya sabay batok.
"Ikaw talaga, Mamaya nyan tatawag yun at mangungulit."

Hanggang sa maramdaman nya ang pag vibrate ng cellphone.
number calling...

"Sagutin mo na, baka sya na yan!" ngingisi ngising kindat ni Mae sa kanya.

Pero di nya sinagot at hinayaan nalang mamatay ang tawag, nakailang beses rin itong nag misscall pero hinayaan parin nya kita naman sa mukha ng mga kaibigan ang pagkadismaya.

Iniwan ko sila at nagtungo nalang sa banyo para maligo...

Pagkalabas ay sakto namang papasok si Elle na nakangiti?

"Masaya ka ata?"
Puna ko habang nagpapatuyo ng buhok.

"kachat ko kasi ang mahal ko, saka dahil may party!"
Ani Elle.

Napansin  ko pang may dala itong paper bag.
"Heto, susuutin natin."

Sabay abot sakin at tiningnan ito.
"Wow, ganda naman nito!"
Isang tuxido style para sa babae ang uniform..

Nagtipon tipon na sila sa kwarto para sukatin ang damit na isusuot....

*****

Ngayon na nga ang araw ng selebrasyon ng matanda at may iilan  na ang taong dumarating sa Lugar kung saan ito ipagdaraos.

Sila naman ay nasa kani kanilang kwarto pa..

"Bagay ba sakin?"
Hapit na hapit ito sa katawan ko at
Sa wakas ay pinayagan silang mag  ayos para naman daw maaliwalas tingnan ang itsura nila.

Di lang ito simpleng selebrasyon lang kundi bongga at dahil kaarawan ng matanda ay wala muna silang iintindihin trabaho..

Pagkatapos nya sa mga kaibigan ay tinungo na ang kwarto ng matanda, para dalhin na sa Lugar, bihis na ito at tapos narin magpaayos.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon