Chapter 23

128 33 2
                                    

Leah's Pov.

Katatapos nya lang din mag bihis at balak na nilang bumaba ng anak, kanina pa ito kulit ng kulit.

Kung nandito lang sana ang lalaki para ito na ang kinukulit nito, pero gaya nga nuong mga nakaraang araw ay wala na naman ito dito ngayon.

Ni hindi man lang talaga ito nagkukuwento, kung tungkol ba sa babae o business lang ang inaatupag...

"Mommy, bilisan nyo na po, gusto ko ng bumaba!"
Anang anak na binuksan na ang pinto dahil atat na atat na talagang bumaba.

"Oo na anak, lipstick na si mommy."

Lumapit naman ang anak sa kanya saka bumulong.

"Mommy, maganda kana po without mek ap?!"
Anang anak na humalik pa sa kanyang pisngi.

Naalala nya tuloy bigla ang ama nito, ganitong ganito ito kung magsalita sa kanya..
Winasiwas pa nya ang ulo para alisin ang iniisip sa dating asawa..

"Tayo na mommy?"

"ehmm, tayo na."

Hawak hawak nito sa kamay habang masayang naglalakad patungong hagdan..

Nang bigla naman syang natitigilan sa nakikita, totoo ba to?!
Pero anong ginagawa nya dito?
Di nya inaasahang mkikita nya ang lalaki dito sa Resort.

Hawak hawak ang anak at balak nyang pumanhik ulit, pero huli na para pigilan dahil tumakbo na ang bata papuntang counter ng restaurant.

Maganda ang pakikitungo nila sa mga tauhan kaya naman malapit ang bata dito na kahit iwanan pa nya ay mamapalagay ang kalooban nya..

"Mommy! Halikana po!
Tawag sa kanya ng bata at dun lang sya nakakilos dahil natutulala na ito sa nakikita.

Buti nalang din at busy sa kinakausap ang dalawa kaya dipa ito lumilingon sa kanilang mag ina.

Marami ang tao dito sa restaurant lalo't hapon na na kadalasan ganitong oras nagsisidatingan ang mga ito dahil ang Iba ay mag oovernight pa.

Umupo sya sa kaharap na upuan ng anak at hinatiran naman sila ng tauhan ng cake na paborito ng bata.

"Mommy I like this so much po, gusto ko ganito ang cake ko sa birthday ko po!"
Sabi ng anak.

Mahilig talaga ito sa matatamis di nya alam kung bakit pero kabaliktaran sila..

"Hi, Ms. Ramos!"
Boses mula sa likuran nya.

Kumabog ng mabilis ang dibdib nya sa isiping si Paul ito at kasama ang dating asawa.
Pakiramdam nya'y napako na sya sa kinauupuan na di namalayang nasa harapan na pala ito.

"Hey, boy! Do you remember me?
Anya Paul sa anak na ginulo pa ang buhok nito.

"Yes,of course po! Your uncle Paul right?!"

"Your smart kid!"

Tinitigan naman ng anak ang kasama nitong bagong dating.
Walang nagsasalita sa mga ito at nakipagtitigan lang sa isat isa.
Mag ama nga ito!

Walang balak magbaba ng tingin ang dalawa kaya nagsalita na ulit si Paul.

"By the way Ms. Ramos, this my friend Rafael Hendas!"
Pa kilala nya dito.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon