Chapter 1

559 50 7
                                    

Leah's Pov.

Ito ang pinakahihitay nilang araw at pagkakataon dahil sa wakas ay makakalaya na naman sila sa bahay na halos araw araw na nilang nilalagihan dahil sa trabaho mula umaga hanggang gabi..

Magbabakasyon ang mga amo nila at kasama silang apat na mag kakaibiganin at ayun sa kanilang kaibigan ay sa sa isang Resort daw sila mamamalagi ng ilang araw.

Pagkatapos nilang ilagay ang lahat ng gamit sa sasakyan ay isa isa na silang nagsipasok sa loob nito.
Dito ay magkakasama parin silang apat at ang mga amo nila ay nauna ng umalis kasama ng matanda.

Nakikipagkwentohan pa sila sa driver na panay ang pagpapatawa nito ang kasamahan naman nila na isang lalaki rin ay panay lang ang tingin sa kanya na kanya namang iniiwasan dahil nakakaasiwa.

Napuno ng kwentohan sa loob ng sasakyan na ang pasimuno ay ang madaldal nilang kaibigan kaya heto at Di magkandaugaga sa pag tawa ang mga ibang lahing nagmamameho....

Hanggang sa makarating sila sa Lugar at dito ay namangha sila sa ganda nito.
Ibinaba ang mga gamit at saka tulong tulong narin nilang ipinasok sa loob..

Nagsimula silang maglipit sa buong bahay gaya ng utos sa kanila.
Linis dito linis duon at kahit saang sulok na may marumi...

Nang matapos ang kanilang trabaho ay isa isa na silang nagsipasok sa kanilang kwarto kailangan nilang mag pahinga ng maaga dahil gigising na naman ng maaga bukas para na naman sa susunod na trabaho...

"Ohh anu maliligo ba tayo o hihilata nalang kayo dyan!?"
bungad ni leah sa mga kasamahan, dahil mukhang walang balak gumalaw ang mga eto dahil tutok lang sa mga kanya kanyang cellphone.

"Oo na po, ito na magbibihis na."
Ani Zia

"Oi, tumayo kana rin dyan Mae!" Utos naman ni Elle kay Mae...

"Heto na, heto na... "

Pagkatapos nilang magbihis ay kanya kanya na silang labas sa may buhangin hapon naman din kaya hindi na mainit..

Maliban kay Elle ay silang tatlo lang ang lumusong sa dagat.

Pag ahon ay sabay sabay pa silang umupo sa buhangin..

"isang linggo ata tayo dito!?"
ani Mae

"Sana mahigit pa, para sulit yung halos isang taon nating walang pahinga!"
Sabi naman ni leah na halatang dismayado.

Maliban sa kanya ay sila Mae at Zia lang madalas na nakakaalam sa plano na lakad ng amo, madalas kasi ang amo nila ang nagbabakasyon at minsanan lang pinapasama ang mama na kanya namang amo.

At heto nga sila nasa isang private resort na pag mamay ari ng kapatid ng amo nilang lalaki.
Malaya narin silang magsuot ng maikling short dahil wala naman Ibang tao maliban sa kanila.
Umalis din ang mga amo nila dahil bibisita raw sa mga pinsan na nasa kabilang isla at tiyak na uumagahin na yun sa pagbalik.

"Sana nga para sulit talaga, saka maganda rito ah ang presko ng hangin."
Tugon naman ni Elle na busy parin sa kakapindot ng cellphone palibhasa di matiis ang boyfriend nyang nasa Malaysia.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon