Chapter 19

128 33 2
                                    

Leah's Pov...

"Mommy I want this po, Please."

Turo ng anak sa chocolate bar pero tiningnan muna ang anak bago kinuha at nilagay sa basket.

"But you need to toothbrush after you eat this, ok?"

Nasa bayan sila kahit hapon na kailangan nya kasing bumili ng kakailanganin pang babae.

"Opo mommy,thank you."

Ganito na sila tuwing pupunta sa convenience store kailangan may tsokolate ito parati..

Sumakay sila sa kotse saka pinaandar. Di rin naman kalayuan ang palingkeng ito mula sa kanilang resort kaya ilang minuto lang ay mararating na nila.

Kadalasan pag summer ay sa resort sila namamalagi ng anak minsanan nalang din nila nakakasama ang lalaki dahil busy na talaga ang schedule nito.

Natatanaw na nya mula sa kanan ang karagatan para itong may kristal na kumikinang ang mga puno sa gilid ng kalsada ay maganda sa mata pati ang simoy ng hangin dito ay napakapresko.
Iba talaga pag nasa sariling bansa ka.

Pinarada nya ang sasakyan saka bumaba at pinagbuksan ang anak.

"Don't run Nethan!"

Makulit talaga ang anak nya pero ni minsan ay di nya ito pinagalitan, siguro ay ganito na sya bilang ina.

Marami ang tao ngayon dahil sa bakasyon, kaya naman punuan ang mga cottages nila ang iba nga ay sa buhangin na nag lalatag ng tent.

Malawak ang area pero hindi ito sapat para sa iba na gustong mag lagi sa gabi kaya naisip nyang magpatayo pa ng mga cottages at dahil dumarami na ang toristang dumadayo sa kanila ay kailangan nya talagang pagandahin pa ito lalo.

May pool area na rin sila na ipinagmamalaki nya dahil sya mismo ang nabigay disenyo dito.
Wala pa ito noong una kaya naisipin nyang ipagawa dahil dagdag atraksyon din ito sa tao..

Nakatayo naman sya kung saan pinapatayo ang nasabing function hall na pagdaraosan ng mga selebrasyon at malapit na nga itong matapos.
Ediya ito na binigay ng mga toristang lalaki galing America at dahil nagustuhan nila ang resort na ito ay babalik raw sila ulit..

"Excuse me ma'am, may tawag po mula kay Sir. Mirza!"

"OK, pupunta na ako saka paki bantayan lang muna si Nethan subrang kulit eh."

"Okey ma'am."

Tinungo ang reception area na kahit dito ay punuan narin ng customer may iilan ding torista.

"Hello?

"Hello beautiful sexy lady!"
Tiningnan pa nito ang telepono.

"Are you drunk?"

"O-Of c-course not, babe Im just drinking but Im not drunk."
Tanggi nito pero halata naman sa boses.

"Asan ka? Hello faisal? Hello!"

"Hello ma'am,Girlfriend nyo hu ba kayo kasi lasing na lasing po!"

"Sige pupuntahan ko... "

Pagkatapos makipag usap ay nagbihis muna sya at binilin narin ang anak.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon