Chapter 28

129 32 2
                                    

Leah's Pov.

Matapos ang pagpapaalam ni faisal sa kanila ay nag patuloy parin ang selebrasyon..

"Hi.."
Bati sa kanya ni rafael ng makalapit ito habang buhat buhat parin ang anak.
Tumango naman sya sabay ngiti.

"Gutom naba ang baby ko?"
Baling nya sa anak saka hinalikan ang  pisngi.

"Hindi pa naman po mommy.
Saka I'm big boy na po, di na ako baby!"
Anang bata saka sumimangot pero pinaggigilan pa nya at hinalikan.

"Your so gorgeous.."
Sabat pa ulit ng lalaki.
Huminga muna sya ng malalim saka sinagot ito.

"Thank you Mr. Hendas."
Pormal nyang sabi dito na ikinadismaya ng mukha pero di na nya pinansin..

Sa paglipas nga ng ilang buwan na pananatili ng lalaki dito ay mas nakikilala pa nya ito.
Ang madalas na pagsasama ng dalawa ay nakikitaan nya ng totoong ugali, mapagbigay at mabait ito sa bata...

"Happy birthday nga pala anak, sorry now lang kita nabati."
Anya pa sa anak.

"Thank you po mommy!
Saka no problem po, pero mommy can you kiss daddy for me po?"
Sabi ng anak nila na ikinabigla nya saka tiningnan ang lalaki..

Para namang nangungusap ang mata ng lalaki na sa totoo lang ay ang gwapo rin sa suot na round neck white t-shirt bakat na bakat ang mga muscles nito.
Winasiwas pa nya ang ulo dahil nagsisimula na naman sya sa pagpantasya sa lalaki..

Nang bigla sana syang magsasalita pero mabilis na syang hinalikan sa labi ng lalaki na nagtagal pa ng ilang sigundo saka sya binitawan..

"Namumula po chicks mo mommy, why always po?"
Sabi ng anak na hinawakan pa ang pisngi nya kaya ngayon ay malapit na silang tatlo sa isat isa.

"Yeah, your blushing baby!"
Nakangising sabi naman ng lalaki.

Nakaramdam na naman sya ulit ng hiya sa sarili.

"Dont do that again in front of him."
Anya sa lalaki.

Pero imbis na sagutin sya nito ay  hinalikan pa sya ulit na mas matagal na at niyakap pa sya sa beywang.
Di naman nila napapansin ang pagtakip ng bata ng mata habang sila ay patuloy parin sa paghahalikan..

Nang maramdaman nya ang pagpapalakpakan ng nasa paligid dahilan para bumitaw sya at nakikita nyang nanunukso na ang bawat hiyaw at titig ng mga ito.

Yumakap pa ang anak sa leeg ng ama nito saka nakipag appear...

*****

"Sabihin mo nga samin, kelan pa nandito yang ama ng anak mo?" Tanong sa kanya ng ate flor habang nagpapalit ito ng punda.

Matagal nga nyang di nasabi sa mga ito dahil akala nya'y aalis din ang lalaki sa resort na balak sanang wag ng sabihin kaso bistado na sya ng mga ito ngayon.

"M-matagal na, s-saka gusto ko naman talaga sanang sabihin sa inyo ate kaso nauunahan ako ng takot.
Baka kasi magalit kayo?"
Pakamot kamot pa nyang palusot.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon