Chapter 29

124 32 3
                                    

Leah's Pov.

Mag aalas dos na ng madaling araw kaya napagpasyahan na ng lahat na pumasok na sa loob ng makapag pahinga narin.

Inalalayan naman ng mga kaibigan si Rafael upang ihiga sa kama, binilinan narin sya ng mga ito na alagaan narin sa pagkakataong ito.

Kumuha sya ng bimpo at palangganang may tubig at alcohol upang mapunasan narin ngunit
nagdadalawang isip pa sya kung aalisin ba nya ang damit nito?

Kaya habang tinititigan nya ang mukha nito ay naaalala ang kaninang nangyari.
Nag kwento ito kung anung nangyari sa kanya nung panahon na iniwanan na nya ito na sinang ayunan naman ni Mae dahil naruon parin sya ng mga araw yun.

Kaya simula noon ay natuto raw itong uminom para lang makalimot sa sakit na nararamdman pati ang pambababai ay ginawa narin nito pero imbis na mainis sya sa lalaki ay mas naawa pa sya at ngayon ay naiintindhan narin nya ang pinag daanan nito.

Sinubukan rin nitong hanapin sya pero sa ilang beses na nabigo ay sumuko nalang din hanggang sa kaibigan na nitong si Paul ang nakapagsabi na nandito nga sya sa resort....

Di nya akalain sa lalaki na ganun lang kadali dito ang mag kwento ng nararamdman na mas lalo nya itong hinangaan..

Habang pinagmamasdan parin ito ay di nya maiwasang haplusin ang pisngi na magaspang na dahil sa makapal na rin ang bigote nito nagkakaroon narin ito ng hibla hiblang puti ng buhok..

Nang matapos itong linisan ay hinalikan muna sa nuo bago magpasyang lalabas ngunit bigla itong gumalaw ito at idinilat ang mata kaya nagkakatitigan silang dalawa.

"Baby.."
Mahina nitong tawag saka ikinulong ang kanyang mukha sa palad nito.

"I miss you Leah.."
Dagdag pa nito saka sya siniil ng halik.

Napakagaan ng halik nito na nagpapaalala sa kanya ng lalaking dating minahal..
Inaamin na nya sa sarili na hinahanap rin ang halik nito kaya walang pag aalingan ang pagganti nya sa halik nito..

Tumigil ang lalaki saka sya tinitigan ng mabuti habang nakapatong ang kalahating katawan nya.

"Can you give me another chance, ehmm?"
Anang lalaki.

Nangungusap ang mata nito na kitang kita nya dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan sa kwarto.

Tumango sya dito saka nasilayan na ulit ang ngiti ng lalaki na sa tinagal pala ng panahon ay hinahanap narin nya.

Tinabing pa nito ang buhok nyang nahuhulog saka sya pinahiga at ito ang pumalit sa kanyang ibabaw habang sinisipat ang buo nyang mukha.

"I love you always, baby.
You and my son is my life."
Anang lalaki na nangingilid na ang luha habang nangingiti.

Di nya alam kung lasing paba ito o nagising na?
Hinalikan sya nito ng paunti unti saka tumigil at titigan sya ulit.

"Did you still love me?"
Tanong ng lalaki.

"I love you too Rafael."
Anya at hinalikan sya ulit.

"But, did you try to love that man?"
Anya pa.

Tinitigan nya ito ng mabuti at nakikita rito ang pagkadismaya.

"I never fall inlove with another man Rafael,Coz I still love you."
Sumilay na ang ngiti ng lalaki sa labi nito saka sya hinalikan ng kay tamis..

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon