Chapter 27

122 33 3
                                    

Leah's Pov.

Pagkatapos nga ng tagpong iyon ay di na umalis ang kaibigan sa tabi nila,
Di narin ito nag kasagutan ulit dahil parati syang namamagitan na sa tuwing magsisimula palang ay magsasalita na sya.

Minsan naman ay pinapagsama pa sila ng bata na sabay sabay raw sa pagkain na minsan ay ikinatataas pa ng kilay ng ama at pag iling naman ng kaibigan ngunit dahil narin sa pamimilit ng bata ay nasusunod nila ito..

Naipaliwanag narin nya sa anak kung bakit sinuntok ng tito nya ang kanyang daddy at kahit pa nagsinungaling lang sya dito ay mas mabuti na basta wag lang tatatak sa utak nito ang  nangyari..

Sa ngayon ay mas parating kasama na ng anak ang ama nito kesa sa kanya, na minsan pa ay isinasama nito papuntang manila.

Sinisiguro naman ng ama nito na sa mga kaibigan lang talaga nya ito dinadala.
Ngunit nakakasama rin daw ang ama  sa lugar na pinupuntahan ng mga kaibigan ng ama.

Sa pag dating naman ng anak ay magkukwento na ito tungkol sa pinaggagagawa kasama ng mga bagong tropa raw na kaibigan ng kanyang ama.

Nangako naman ito na dina muna  isasama ang bata papuntang dubai. Kinansila narin nito ang flight na sana ay nung nakaraang linggo pa..

*****

Hanggang sa sumapit ang birthday party ng anak, marami ang dumalo pati ang mga kapatid maliban sa magulang na di daw sumama dahil masama ang pakiramdam kaya live video nalang daw, ang mahalaga ay  makikita nila ang apo.

Inimbita rin ng ama ng anak ang mga kaibigan nitong si Mark at William na ngayon ay abala sa pakikipagkwentuhan sa mga ibang bisita..

At ngayong hapon nga ay dumating ang ama ng anak na pagkakita palang at tumakbo papunta dito saka nag pa buhat.

Abala naman sya sa paglalagay ng cake sa lamesa dahil sisimulan na ang blow candle.
Nakakapagtaka rin naman dahil wala ang kaibigang si faisal kanina pa nya ito tinatawagan sa cellphone pero di ito sumasagot..

Napadako pa ang tingin nya sa papasok na si Paul lalo na sa katabi nitong babae.
Mahaba ang buhok nito na bahagya pang kinulot ang dulo, naka floral dress na pula at hapit na hapit sa katawan nito.
Mas lalo pa itong naging balingkinitan, si Mae!

Nagkatitigan sila ng mapadako sa kanya ang tingin nito saka sumilay ang ngiti sa labi nitong pulang pula.
Mabilis na lumapit ito sa kanya na may kasamang pagtili.

"Leah!? OMG, IKAW NGA!"
Malakas nitong hiyaw sa kanya saka yumakap ng mahigpit.
Binitawan at tiningnan sya muli mula ulo hanggang paa.

"Gaga ikaw nga!
So anak mo pala magcecelebrate ng birthday!?"
Ani Mae na di parin makapaniwala.

"Ang tagal na nating di nagkita, namis kita ng subra."
Sabi ko dito sabay yakap ulit.

"Ako rin eh, marami talaga tayong dapat pag usapan.
Ang dami mo ng kasalanan sakin!"
Pagtatampo nito.

At sya naman ay halos di na  makapagsalita dahil sa galak na muling makita ang kaibigan..

Tinawag pa ito ni Paul habang nag uusap pa sila kaya natawa nalang sya bigla dahil nagkandahaba haba ang nguso ng kaibigan..

Umalis ito pero nagsabi na mag uusap lang sila ulit total madali nalang ngayon ang magkita sila..

Bigla naman dumating si faisal na bihis na bihis naka Black long-sleeved polo ito na itinock in pa sa pantalon na itim rin, ang kulay gold nitong sinturon ay terno sa relo at shades at napaka gwapo nito dahil bagong gupit.
Humalik ito sa kanyang pisngi habang hawak hawak sya sa balakang.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon