Chapter 34

30 2 0
                                    

Leah's Pov.

"Saglit lang ate, panuorin muna natin itong balita."
Anya Karen at nagkandahaba haba ang leeg sa pagtanaw.

"Meron naman nyan sa bahay dun nalang tayo manuod."

Yaya pa nya dito pero di talaga nagpapigil, palibhasa ang hilig nito sa balita pati ng ibang palabas sa TV.
Na minsan pa nitong nasabi na gusto raw maging reporter kaso sa kasalukuyan ay hindi yun ang kurso nya..

Naririnig nya sa balita na isang prebadong eroplano ang bumagsak sa isang lugar sa America kung saan namatay ang mga pasahero...

Bigla naman kumabog ang dibdib sa naririnig kaya mabilis na nyang hinila si Karen dahil ayaw nyang nakakarinig ng ganitong patayan na mga balita.
Idagdag pa ang sinabi nuon ng anak tungkol sa ama...

Dumating sila sa bakuran ng bahay habang ang ate flor ay dali daling lumalabas ng bahay..

"Oh, ate flor nagmamadali ka?"
Anya Karen.

"Leah.."
Anang ate nya saka sya inalalayan sa loob.

"Bakit ate?!"
Anya.

Pinaupo muna sya saka binuksan ang telebisyon at gaya sa palengke kanina ay ang eroplanong bumagsak rin ang balita na ayun pa rito ay may natagpuang dalawang bangkay ng tao..

Nagulantang pa sya ng marinig ang
pangalang Sophia Mirza..

"Kaapelyedo yan ni faisal dibah?"
Anang ate nya.

Di naman sya makapagsalita dahil posibling ito nga ang kapatid ng kaibigan.

Ngunit mas naramdaman nya ang panghihina ng makita na nya mismo ang larawan ng asawa na nakapaskil sa balita at kinukumpirmang Rafael Hendas ang pangalan nito..

"Leah."
"Ate?"

Mga boses ng kapatid ang naririnig pero parang hindi pumapasok sa kanyang utak ang mga sinasabi nila at ultimo pagpatak ng luha sa kanyang mata ay patuloy lang.

"Hindi.. Hindi yan totoo.."
Anya habang pailing iling syang nanghihina.

Lumapit ang anak sa kanya saka ito yumakap at tinitigan sya.

"Mommyy, why are you crying po?"
Anang anak na pinupunasan ang luha sa kanyang mata..

"S-saglit anak pupunta lang si mommy sa b-banyo."
Anya pa saka tumayo.

Ngunit pakiramdam nya'y nanghihina sya habang humakbang hanggang sa maramdaman narin ang pagblanko ng kanyang paningin...

"Rafael..rafael.. Rafael!!!!"

"Ate Leah, nananaginip kapo."
Anang kapatid habang ginigising sya.

Nagisnan nya itong mugto ang mata ..

"Asan ako.. Asan si Nethan.. Si rafael nasaan?!"

"Ate nasa bahay lang si Netha-"

"Nasaan si RAFAEL!!?"

"Ate, wala na si kuya rafael."

"Hindi!!
Nagsisinungaling ka, nasaan si RAFAEL!!?"

Umiiyak parin sya habang tinatabing ang laman ng lamesa sa gilid ng bigla namang pumasok ang ate nya kasama ng doctor.

"Ate, nasaan si rafael?
Buhay sya dibah, dibah ate sabihin mo sakin buhay parin si RAFAEL please!!"

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon