Chapter 35

33 1 0
                                    

Leah's Pov.

Bumisita sya sa resort kung saan maligaya syang sinalubong ng mga tauhan..

"Masaya po kaming napasyal kana ulit dito ma'am Leah."

"Oo nga, nakakapanibago po ang tatlong taon na wala kayo dito.
Anang mga tauhan sa kanya.

"Sorry kung ngayon lang ako napadalaw."
Anya.

"Ayos lang ma'am, naiintindhan po namin.
Saka hindi nyo po kasama si Nethan?"

"Diko na muna pinasama dahil may aktibidad sa school, saka paumanhin din ulit dahil sasaglit lang ako dito, may importanting papelis lang akong kailangang makuha."
Anya na ikinadismaya ng lahat..

Kaya naman pinagbigyan nalang muna nya ang kahilingan ng mga ito kahit papaano ay magkwentuhan muna sila.

Nagtatanong sila tungkol sa buhay na nya ngayong wala na ang asawa na kanya naman ding sinagot dahil sa totoo lang hindi na iba ang turing nya sa mga ito na ultimo nga nuon ay nakakaya nyang sabihin ang mga sekreto...

Kinausap pa nya ang bagong namamahala na dito, mayroon syang binibilin dito at pinapapirma.
Sa una ay ayaw nitong tanggapin ngunit sa huli ay napapayag din..

Tinungo nya ang kwarto kung saan sila namamalagi ng anak at dito ay malinis na malinis na.
Ang mga gamit nila ay nakalagay na sa mga kabinet nito..

Tinawag pa ang ilang tauhan upang kunin ang mga gamit ng anak at ipamigay sa mga batang magiging kustomer nila, ang mga gamit naman nya ay bahala ng mga tauhang babae ang pumili para magamit pa...

Tinungo pa ang kwartong nakabukas at dito ay malinis narin, sa pagmamasid nya dito ay naalala ang mga sandali ng kanilang pagsasama ng asawa at anak sa maikling panahon..

Habang nasa balkonahe sya ng kwarto ay di nya maiwasang maluha sa mga alaala na nag iisa nalang talaga sya ngayon at sa mga susunod pang mga taon...

"Leah.."
Tinig mula sa kanyang likuran..

Tumanda na ito dahil sa balbas at piklat sa buo nitong mukha.
Nakatungkod narin ito at paika ikang lumalapit sa kanya..

Ngunit bigla namang nabuhay ang galit sa kanyang dibdib dahil sa araw na ito ay nakakaharap ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng asawa..

"Kamusta kana Leah?"
Anya faisal ng makalapit ng tuluyan sa kanya.

Ngunit yumuko sya dito at imbis na sagutin ay malakas nya itong sinampal..

"How dare you to still alive, bat hindi nalang ikaw namatay!"
Garagal ang boses nyang hayag dito na pati ang luha na kanyang pinipigilan ay bigla rin bumagsak..

Alam na nya ang lahat, na ang lalaki ang utak sa pagpapasabog ng eroplanong lulan ng asawa..

Matapos nga ng gabing nabasa ang sekreto ng mga magulang ni rafael at magulang nito nuon ay pinagtagpi tagpi nya ang sitwasyon saka pinaimbistigahan ang lalaki na umabot ng ilang buwan bago makumpirma ang lahat, ito rin ang tumatawag sa kanya sa loob ng dalawang taon...

"So, you know everything?"
Anang lalaki.

"Oo...
Bat dika man lang naawa sa mga anak ko faisal.
Bat kailangan maulila ang mga anak ng maaga?.."

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon