Chapter 6

162 38 6
                                    

Leah's Pov.

Di na nya alam kung ano bang pinaggagagawa ng lalaki sa kanya nung isang araw lang ay isinama sya nito sa isa lugar saan lumang luma na ang bahay.

Dito ikinwento nito ang kabataan at kung paano sila nabubuhay kasama ang papa nila napakasaya raw nila nuon dahil di nawawalan ng bisita ang kanilang bahay na gustong gusto naman ng dalawang matanda..

At sa paglipas ng panahon napag alaman din nyang namatay pala ang papa nito dahil sa sakit sa puso at simula raw noon ay bumagsak at naghirap sila ngunit dahil sa pag pupursigi nya at tulong ng mama nito ay muling naibalik ang dati nilang pamumuhay.

Kinwento pa ng lalaki kung paanong  natuklasan nyang may naiwan palang negosyo ang kanyang papa sa America kaya kinailangan nitong mangibang bansa dahil dun.

Nalaman rin nyang may alitan ang pamilya nito sa isang pamilya na kahit sya mismo ay di alam kung kanino at yun ang malaking tanong sa kanya isip magpa hanggang ngayon..

Kinwento pa nito kung paanong may napapansin daw syang sumusunod sa kanya sa bawat lakad nito lalo ang pagbalik nya dito sa bansa..

Nakaramdam sya ng simpatiya para sa lalaki ngunit ang tanging magagawa lang nya ay ang pakinggan ito sa mga kwento nito sa buhay hanggang sa tanungin sya nito tungkol sa kanyang buhay ngunit masyado sigurong maaga para ikwento nya sa lalaki ang kanya samantala bago palang silang magkakilala...

Matapos nga ang kanyang trabaho sa matanda ay bigla nalang sya nitong pinuntahan at kausaping isasama sa isang lugar ulit.
Kaya wala na syang nagawa kundi ang sumama dito.
Hawak hawak sya sa braso at inalalayan sa pagsakay ng yati.

"Be carefull."
Ani rafael,

Dahil muntik na syang madulas buti nalang ay nahawakan sya nito ng mabilis sa baywang..

"Thank you."
Anya saka mabilis na kumalas at pumasok na sa loob ng yati.

Naiwan naman si Zia para sya ang mag aalalay sa mga bagong kasama dun sa resort at nagpakuha narin ng bagong nurse na magbabantay sa matanda kaya wala talaga syang rason para umayaw..

Kahit elle ay nagtataka narin dahil sa kakaibang ikinikilos nilang dalawa.
Gayun paman kinailangan lang nya mag paliwanag sa mga ito dahil narin sa kakaibang pinapakita na ng lalaki sa kanya..

Dito sa loob at may Iba pa silang makakasama na dalawang babae at dalawang lalaki rin.
Umupo sya sa tabi ni Mae, malaki ang yati na sakto sa pang sampo o mahigit pa.

"Siguro ibebenta ang islang yun anuh?"
Ani Mae.

"Pero bakit pa?
Saka ang alam ko mayaman naman sila, kaya bat nila ibebenta?"
Sagot ko dito habang naka tanaw sa malawak na karagatan.

"Eh kasi dibah, luma na kaya baka lang pero bat dimo tanungin ang matanda total parati kanamang kasa kasama o kahit si rafael na lang."
Ani Mae.

Pinanliitan ko ito ng mata para tumahik dahil nasa tabi ko lang ang lalaki pero siguro naman di kami naiintindihan nito dahil wala ring imik at gumagamit lang ng cellphone.

"Hayaan nalang natin sila ibenta man o hindi wala na tayo dun."
Sabi ko kay may.

Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay natatanaw na nila ang isla.
Di nya maiwasang mamangha sa lugar.
Ang kulay berdeng kagubatan sa likod ng bahay at sa paligid nito ay nagbibigay kulay sa puting buhangin.

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon