Chapter 36

96 2 0
                                    

* EPILOGUE *

Leah's Pov.

Ngayong araw ang pagtatapos ng anak na si Nethan sa high school at ito ang class valedictorian sa batch nila.

"Wag kanang umiyak mommy, sige ka papangit kapo."
Anang anak na si Aryana.

Kasama nya ito sa upuan habang pinapanuod nila ang anak nyang nagsasalita ngayon sa stage..

Walong taon na nga ang lumipas at ngayon ay malalaki na ang mga anak nya.
Si Nethan na 16 years old na ay kuhang kuha na nito ang itsura ng ama, pati ang katawan nito na sa paglipas ng panahon ay lumalaki narin.

Ang bunso nyang si Aryana ay 9 years old narin at kamukhang kamukha narin nya.
Si Leonn ang wala sa tabi na sumama sa uncle Patrick sa restaurant kasama ng mga ate nya upang maghanda sa kanilang pag uwi..

Sa nakalipas nga na mga taon ay sa awa ng maykapal ay nabuhay parin sya matapos ang trahedyang naganap nuon..

Ang kaibigang dati na si faisal ay bumalik nalang din ng Pakistan kasama ng asawa nitong si Andrea at nangakong magbabagong buhay narin at di na sila gagambalahin pa..

Humingi rin ito ng tawad sa anak na si Nethan ngunit malaki ang iniwang trauma nito sa anak kaya magpa hanggang ngayon ay di parin ito napapatawad ng anak...

*****

3 months later...

"Happy birthday mom!" 
Anya Nethan habang tinatanggal ang nakapiring sa kanyang mata.

Namamangha sya sa nakikita dahil sa likod bahay ay ginawan sya ng isang lugar kung saan ang lamesang pabilog at puno ng roses pati na ang swimming pool, ang paligid naman ay mayroong mga boombilyang maliliit..

"Salamat anak, akala ko nakalimutan nyo na ang birthday ko!"
Anya saka hinihimas ang mukha ng anak na mas matangkad pa sa kanya ngayon.
Ang anak naman nyang si aryana ay lumapit din sa kanya at yumakap.

"Leonn, halika anak.
Dimo man lang ba babatiin ang mommy?"

Anya, ito lang talaga ang kakaiba sa tatlo na kung seryuso na ang binatang anak na si Nethan ay mas lalo pa ito na kuhang kuha narin ang mukha ng ama..

"Happy birthday po."

Niyakap nya ang tatlong anak na nagpapaligaya sa kanya ngayon..

"Pero Nakakapagtaka mga anak, bakit dalawa lang ang upuan.
Apat tayo dibah?"
Anya pa.

"Baka darating po si uncle Alex, mommy?"
Anya aryana.

"Hell no, ARYANA!!"
Sabay pang sabi ng mga lalaki nya.

Si Alex ay ka partner nya sa restaurant at isa narin sa manliligaw nya na
sa halos limang taon na pamamahala nya sa negosyo ay kasa kasama ang lalaki..

Sa edad na fourthy-four ay di maiiwasang may nagkakandarapa parin sa kanyang mga lalaki na minsan ay mga businessman pa na nagiging customer nila sa restaurant..

Ngunit dahil sa mga anak na lalaki ay ni minsan ay wala syang sinagot dito yun ay dahil para lang daw sya sa ama nila..

"Mommy oh, sila kuya pinandidilatan pa po ako!"

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon