Chapter 21

124 32 2
                                    

Paul's Pov.

Kinuhanan muna nya ng litrato ang tagpong iyon at ipinadala sa kaibigan na nasa Dubai saka pinaandar ang sasakyan.

Di sya makapaniwala sa nakita kamukhang kamukha sya ng bata. Pero ano ang relasyon nila sa lalaking yon?

Yan ang gumugulo sa utak ni Paul sa mga sandaling nakita nya ang mag ina, kung bakit sa ganitong lugar ay makikita ang kahawig na itsura ng kaibigan.....

Ilang taon na ang nakakalipas ng
minsan itong mag kwento tungkol sa babaing pinakasalan na di kalaunan ay iniwan din dahil sumama raw sa ibang lalaki.

Mula noon nagbago ang kaibigan, nagpakasasa sa babae sa alak.
Na halos sirain na ang buhay at gusto ng magpakamatay ng dahil lang sa babaing yun.

Minsan pang nadatnan nila ito sa kwarto nya na halos humandusay na sa sahig dahil sa paglalasing at may hawak na baril, buti nalang at mabilis nyang naagaw ang hawak.

"Are you out of your mind, dude?!
She's not the only woman!"
Bulyaw nya dito.

"I love her so much bro.
Why, Why I am still not enough for her?"
Anya rafael na umiiyak wala na syang pakialam kung ano man ang isipin ng mga kaibigan.

Bagsak ang balikat nito na parang sukong suko na, ilang taon din ito nangunguli sa babaeng mahal kaya naisipan na nyang tulongan na ito.

Hinanap ang babae sa mga kaibigan nito dati pero di raw nila alam kung saan sya talaga nakatira maliban sa iisang bansa lang sila.

Sinubukan din nilang hanapin sa social media nito pero halos lahat ng impormasyon ay nabura na raw.

Kaya iniisip nilang baka may nagtatago sa babae....

Rafael's Pov.

Nasa kalagitnaan sya ng meeting ng makatanggap ng email mula sa kaibigan na nasa pilipinas.

Pagpasok sa kanyang opisina saka kinuha ang cellphone at binuksan ang mensahe.

Kumunot pa ang nuo nya saka maiging tiningnan ang litrato.
Litrato na kinuhanan sa isang Beach Resort.

Litrato ng isang masayang pamilya ang babae ay naka floral dress na kulay dilaw, tumatakbo ang batang lalaki sa ama nito, may isa pang litrato na buhat ng ama ang bata at naka hawak naman sa beywang ng babae. Malayo ang pagkakuha sa litrato kaya medyo malabo ang mga itsura nito..

Kinuha ang cellphone dahil tumatawag ang kaibigan..

"Hello, how's the vacation bro?"
Walang gana nitong tanong sa kaibigan.

"Did you receive the photo?"
Anya sa kabilang linya.

"Yes, but I don't have time to feel envy to those family picture."
Anya pa, saka niluwagan ang suot na kurbata.

"Dude, I met this woman earlier, And guess what?"

"And she's your woman?"
Pabalyang nitong sabi.

Wala talaga syang oras makipag usap dito dahil bukod sa pagod na sya sa trabaho ay kailangan pa nyang puntahan ang mama nito na di na naman maganda ang lagay..

"C'mon dude, I'm serious!"

"OK, then tell me what was all about?"

"You can't believe this.
But that little boy in the picture is the same like you!?"
Anya Paul.

Di man nya nakikita ang itsura nito ay sigurado naman syang nakakunot na ang nuo nito.
Pero natigilan sya sa sinabi nito saka tiningnan ulit ang litrato.
Pero di nya talaga maklaro.

"What do you mean by that?"
Tanong nya ulit dahil bigla syang nag kainteres.

"Dude, the little boy is look like you!
But I'm not sure if that man with them is her husband?"

Napasandal sya sa upuan dahil hindi nya matantya ang ibig sabihin ng kaibigan.

"I don't have time for your-"

Putol ng kaibigan ang sasabihin sana nito.

"Yeah,I know, I know but listen!
That woman is Leah Ramos the owner of this Beach Resort!"
Anya Paul...

Bigla naman syang napabangon sa kinauupuan saka tinitigan ulit ang litrato.
Nakasideview ang babae kaya di nya talaga maklaro ang itsura nito.
Pero may biglang kung anong naramdaman sa bata sa litrato..

"Hello.. Rafael are you still there?"

"Yeah, I'm here but I need to end this call."

"OK, I understand."
Aang Paul.

"I'll call you later."

Wala na sa kabilang linya ang kausap at titig na titig lang sya sa litrato na nasa kamay..

Bigla pang kumuyom ang kamao dahil sa isipin na kung sakaling ito nga ang asawa na nang iwan sa kanya para lang sumama sa faisal na yun.

Nararamdaman na naman nya ulit ang galit na matagal na nyang pilit kinakalimutan nang bigla pa nyang tinabing ang baso na nasa gilid ng lamesa dahilan para mabasag ito sa sahig..

Limang taon na ang nakakalipas simula ng iwan sya ng asawa na sumama sa lalaki.
Ni hindi nya alam kung anong dahilan nito.

Kinausap pa nya ang mga kaibigan nito ngunit wala silang maikwento, tanging si Monique lang ang nagsabi sa kanya na sumama raw ito sa lalaking iyon.

Pinakitaan pa sya ng litrato na nakaakbay ang lalaki dito habang lumalabas sa isang bahay, dun nya napagtanto ang galit sa asawa..

Pati ang monique na iyon ay naging problema pa nya pagkatapos sabihing buntis at sya ama.
Ngunit napag alaman din nyang niluloko lang sya ng babae..

Malakas lang ang loob nitong ipaangkin sa kanya ang dinadala dahil sa isang gabing may nangyari sa kanilang dalawa sa kadahilanang nilasing sya nito..

Ang akala nya ay asawa ang kasiping, pag gising sa umaga ay nagulat pa sya kaya mabilis na lumabas ng kwartong iyon at tinungo ang asawa, ngunit wala na ito..

Ilang buwan nyang tinangkang hanapin ito nag utos narin sya ng tauhan para hanapin sa pilipinas ngunit bingo parin syang mahanap ito..

Simula nuon ay nagbago sya.
Kung saan saan sya pumupunta para lang makalimut, pati ang mama nito ay di nya sya maintindihan kung bakit raw sa isang babae ay magpapakabaliw ito gayong marami namang mas higit pa..

Nang isang gabing di na nya kayang isipin na di na talaga babalik ang asawa.
Nag lasing sya buong araw sa loob ng condo nito saka pinagsisira ang mga gamit na kanyang nahahawakan.

Nang bigla nyang makita ang baril, hawak hawak ito habang parang baliw na nakaupo sa sahig at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ng asawa.
Pero biglang dumating ang mga kaibigan nito saka kinuha ang baril...

Kinabukasan pagkatapos hingin sa kaibigan ang address ng Beach ay agad nyang hinanap sa google ang Lugar.
Maraming lumabas na litrato at kapangalan ng lugar kaya mahihirapan syang hanapin ito.

Napabuntong hininga nalang sya saka sumandal ulit sa upuan.

Kinuha ang cellphone saka tinawagan ang kaibigan kelangan nyang lumipad papuntang pilipinas, kelangan nyang makumpirma ang sinasabi ng kaibigan na kung sakali man ang babae ay iyon talaga at may anak ito ay kailangan nya talagang makuha kung ano ang dapat ay sa kanya.
Wala syang pakialam kung may masasagasaan man sya sa gagawin...





Leave a comment please!! 😊💚

 Virgin In Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon