Prologue

383 19 0
                                    

Gutierrez Siblings Series #3

Careful

"Claudine Elizabeth Arellano...!"

I turned to my friend Cherrie Anne for shouting my full name, while she's entering in this room.  At ang loka ay bilis na bilis pang tumakbo na para bang hinahabol ng mga aso.

"Bakit? Nagmamadali ako, kailangan ko nang umuwi! T'ska lagot ako nito kay Manang Rosalia pag na late akong umuwi. May pinapabili pa naman 'yon sa akin," I said, as I hurriedly arranged the books and a binder in my handbag.

"Si Prof...-" she gasped at me.

"Oh, anong meron kay Prof at sino bang prof ang tinutukoy mo?! Huminga ka kaya muna. Ba't ka ba kasi tumakbo. Parang kang hinabol ng sampung aso riyan sa corridor!"

"Pinapatawag ka ni Prof Ortegas, nasa'n daw yung project mo sa kaniya...," she still gasping for some air, while saying those words.

"Anong project ang tinutukoy mo?! Naipasa ko na, kasama pa nga ng sa 'yo, eh!" gulat kong sagot sa kaniya at hindi mapigilan na kabahan.

"Syet! Tangina! Eh, sabi eh nawawala raw! Bilisan mo na kaya at kausapin mo siya! Nag tatally na 'yon ng grades natin this semester! Hindi ka pwedeng bumagsak, pa'no na lang ang scholarship mo. T'ska mamaya mo na 'yan problemahin 'yang matandang dalagang hukluban na 'yon!" sabay hatak nito sa akin at tumakbo na kami.

"Cherrie! Wait lang naman!" I shouted at my best friend, as we ran down to the hallway of our department.

"Bilisan mo kasi! Napaka bagal naman, eh! Syet... Tangina talaga!" she also shouted at me while she was still holding my right hand.

Grabe talaga makapagmura 'tong babaeng 'to!

Hindi na 'ko nagsalita pa, dahil mas pino-problema ko ang sapatos ko na inaalagaan ko for almost two years at hindi ginagamit pang takbo dahil wala pang pambili na bago. Si Manang Rosalia na baka sermon ang abot ko pag hindi 'agad ako naka-uwi sa mansiyon. At ang isa pa ay itong kay Prof Ortegas na nagpasa naman ako ng project ko sa kaniya. Lagot ang scholarship ko pag nagka-taon.

"Cherrie Anne! Kanina pa tayo tumatakbo, nalampasan na natin yung Dean Office!" I shouted again and stopped, to turn around again and go back to the dean's office that we almost passed.

Pero ang loka ay hinatak ulit ako at hindi na nagsalita pa. Kaya lang ay rinig ko ang malakas nitong pagtawa.

I surprisingly looked at her while we were still running and I noticed that we were heading to the Engineering's Building.

"Hoy! Ano ba Cherrie Anne! Are you playing around with me. You're getting to my nerves now!" I still shouted at her, as we went up to the second floor of the Engineering's Building.

"Gaga! Hindi! Naandito lang talaga si Prof!" Sigaw at natatawa ulit nitong sagot sa akin.

Para kaming tanga na nagsisigawan at tumatakbo, habang ang mga ibang college students ay nakatingin lang sa amin, o 'di kaya'y walang mga paki-alam.

Huminto naman kami sa isang classroom na sarado pa ang pinto. Habang hawak-hawak ako ng kaibigan ko sa kamay ay binuksan naman nito ang pintuan. Tumambad naman sa amin ang maraming nagkalat na pulang mga lobo at mga rosas sa sahig. At doon ay may narinig akong nag sta-strum ng gitara.

Cherrie Anne pulled me again, to go inside, while I was confused and wondering why we were here in this classroom. Bakit ano bang meron?!

But Laurence exposed himself while he's strumming his black guitar now. He stared at me while smiling and started to sing a song.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon