Chapter 38

119 8 0
                                    

Engaged

As usual na late na naman ako ng gising.

Napatingin ako sa bedside table kung nasaan ang alarm clock at ala una na rin ng hapon. Pati ang damit ko ngayon ay ang white t-shirts ni Joaquin at ang boxer nito.

Wala naman kasi akong pamalit kagabi kaya ito ang sinu-ot ko.

Hinanap ko kung may iniwang note ba si Joaquin, pero wala akong mahanap. Pati text ay wala rin itong te-next para sa akin.

Nag-ayos na muna ako bago lumabas sa kwarto. At may naamoy naman akong parang sunog sa kitchen nito.

Kaya sobrang bilis kong bumaba para tingnan iyon. At sobrang kaba ko, dahil baka may nasusunog sa unit ni Joaquin, lalo na't mag-isa lamang ako.

Pero ang tumambad naman sa akin pagkarating ko sa kitchen nito ay siya.

Naka-topless siya na naka-apron. At para rin itong problemado.

"Fuck...!" mura nito habang hinahaplos ang kamay nitong natalsikan.

Gusto ko lang sana siyang panoorin. Pero ang luto nito ngayon ay sunog na. At amoy na amoy na ngayon sa buong unit niya.

"Ako na riyan...," utas ko at nilapitan siya.

"Good afternoon, my love. How was your sleep. Masarap ba?" ngisi na nito sa akin at humalik na naman sa labi ko.

"Hmmm..," tango ko pa sa kaniya na naka-ngiti na rin.

"Hindi ka pumasok?" tanong ko na sa kaniya.

"I want to spend my time with you. Sa monday na ulit ang pasok ko," sagot na nito sa akin.

Tumango-tango naman ako at naalalang Saturday pala ngayon.

"Ba't 'di mo 'ko ginising. E'di sana ako na rito."

"I don't want to disturb you. You need also to rest."

"Ikaw ang mas pagod sa atin. Kaya umupo kana muna. Sunog na 'yong niluluto mo," pagkuha ko na ng sandok sa kamay nito habang hindi mapigilan na mas ngumiti.

Ang sweet niya kamo ngayon.

"But..."

Nilingon ko naman siya at hindi mapigilan na pagtaasan siya ng kilay.

"Gusto mo bang mag ka cancer tayo? Tingnan mo 'yang niluto mo, para ng uling," natatawa ko nang sambit at pinatay na muna ang kalan.

Wala naman itong nagawa kun'di ang ngumuso at sumimangot.

"T'ska magdamit kana. Baka malamigan ka pa niyan," wika ko pa.

Paano ba naman nang aakit ang biceps nito sa akin. Kung hindi ko ma control ang sarili ko, baka mahawakan ko pa 'yon.

Narinig ko naman ang halakhak nito at kinuskos pa ang ilong nito sa ilong ko.

"You're so cute, my love. You can touch it, if you want. It's free. Nahawakan mo na nga 'yan. Ilang oras pa ang itinagal," panloloko pa nito sa akin.

"Che. Magbihis kana. Magluluto na 'ko," talikod ko na sa kaniya.

Paano ba naman feeling ko nag-iinit ang buo kong katawan at pisngi sa sinabi nito.

Magdamag yata kasi akong naka-unan sa braso nito at nakayakap sa kaniya. Kaya rin siguro ang sarap ng tulog ko habang katabi siya.

Natatawa pa rin ito habang lumabas na sa kitchen area.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon