Secret
"Hoy, Claudine! Anong ginawa niyo kanina ng Sir Joaquin mo sa ilalim ng tubig, huh? At napakatagal niyong makarating sa amin?" Cherrie asked me in a accusing voice.
"Wala naman... lumangoy!" kahit ako ay natatanga sa naging sagot ko sa kaniya.
Umiling-iling lang din ito sa akin at parang asong ulol ito ngayon kung makangisi at si Lorieca ay ganoon din.
"Nako, bahala na kayo r'yan, mag-isip...," I ended their imagination and go inside of the nipa comfort room, to change my clothes now.
Pero rinig ko pa rin ang tawa nilang dalawa.
"Lorie, halata na may gjnawa sa ilalim ng tubig. Namula ang bruha, eh!" Hagalpak na ngayong tawa ni Cherrie at si Lorie ay ganoon din.
Pinabayaan ko na lamang sila at alam kong titigil din 'yang dalawa sa kaka-asar sa akin.
Mabilis lang naman akong nakapagpagpalit at sila ay sumunod na rin pagkatapos ko.
Pagkarating namin sa puwesto kung saan nakalatag ang picnic mat ay wala na roon ang mga kalat namin at pati ang mat ay nakatupi na rin.
"Oh! Inayos niyo na? Good boys!" wiling-wiling wika ni Cherrie sa tatlong lalaki, kasama na roon si Sir Joaquin na ngayon ay tinitingnan na ako.
Nakapagpalit na rin ito ng bagong damit at sina Laurence ay ganoon din.
"So ano? We need to go now. Anong oras na rin malapit ng dumilim," si Lorieca habang nagsusuklay na ng buhok nitong basa.
"Let's go," pag-aaya rin ni Renzo sa amin.
Bago pa man kami mag si-alisan ay nagpaalam na muna kami sa isa't-isa.
"Oy, kwento ka naman minsan," bulong pa ni Cherrie sa akin, bago sila lumarga.
At si Lorieca ay ganoon din ang ginawa at tumawa pa. Hindi ko na tuloy mapigilan na pag-ikutan na lang sila ng mga mata ko.
Kami naman ni Laurence ay nag ngitian lang at hindi ko alam kung bakit kanina pa itong walang imik.
Nauna naman sila sa amin, dahil naka motor sila at kami naman ni Sir Joaquin ay kay Rucker nakasakay.
Ganoon pa rin naman ang puwesto naming dalawa ni Sir Joaquin at ngayon ay mabagal lang na tumatakbo si Rucker o 'di kaya'y naglalakad lang ito.
Malapit na ring dumilim talaga at malayo pa rin kami, bago makarating sa mansiyon.
"Nag enjoy ka?" I asked him.
Nabibingi kasi ako dahil walang may nagsasalita sa aming dalawa. At ang mga huni lang ng kuliglig at ang yapak ni Rucker ang naririnig namin.
"Of course, I am! I enjoyed the under water...–"
Hindi ko naman siya pinatapos dahil alam ko sa labi nito ang pag ngisi sa akin.
"Hanla! Huwag!" pag re-react ko at alam na alam ko na sa sarili ko na sobrang pula ko na dahil doon.
Ilang ulit niya na ba ako hinalikan? At sa tanang buhay ko, bakit siya lang ang may kakayahan na ganituhin ako.
Nahalikan na rin naman ako ni Laurence sa pisngi, pero hindi kapareho ng paghalik sa akin ni Sir Joaquin. At hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit hinahayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin.
Ano ba ang tingin nito sa akin? At mag-iisang buwan pa lang kaming magkakilala. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit naging ganito ang trato niya sa akin, ay hindi ko naman kaya.
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
Fiksi Umum❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...