Possessive
"Ilang araw ka nang pangiti-ngiti riyan, huh?" Cherrie teased me.
Kanina pa kasi ito, at kanina pa nila ako pinag tri-tripan ni Lorieca. At bakit daw palagi akong nakangiti.
"Bakit, hindi na ba puwedeng ngumiti?" I asked her, while doddles on the back of my notebook in my minors subject, but I'm still smiling.
"Para ka kasing sinapian. At ilang buwan na rin 'yan. Ang tagal na rin nang ganiyan ka kung makangiti. Kaya, kahit hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa 'yo," aniya pa nito.
"Sabihin mo nga sa amin, Claudine. May nangyari ba? Ilang buwan na rin namang bumalik ang Sir Joaquin mo, sa Manila. Tapos na rin ang Christmas at New year. Pero wala ka pa ring sinasabi sa amin ni Lorieca," she added and gave me an accusation looks.
"Hmm. Ano wala naman...," pag mamaang-maangan ko pa.
"Bahala ka na nga. As if naman na hindi pa namin alam ang ugnayan niyong dalawa ng Sir Joaquin mo. Me and Lorieca, saw your conversation with him. Not intentionally huh, basta nakita lang namin. At every night, nag vivideo call pa kayo. At kada isang oras din 'yon," she said playfully now.
"Pati there's a message every week na may package na pinapadala sa 'yo. Kung hindi naman material things, e puros bulaklak at chocolates," dagdag pa nito sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at si Lorieca naman ay humalakhak na rin dahil sa sinabi ng kaibigan namin.
Matagal na pala nilang alam. Dapat talaga, nilagyan ko na ng password ang messenger at skype ko. Para hindi na nila nakita 'yon.
Hindi ba nila alam ang salitang "Privacy"?
Nako! Magtataka pa ba ako, e, sobrang kulit ng dalawang 'to. Mabuti na lang talaga at mahal ko sila. Para na ring kapatid ang turing ko sa kanilang dalawa.
At mabuti't na lang talaga nasa tambayan kami ngayon, at wala ang isang prof namin sa minor, dahil may meeting silang nagaganap ngayon. Kaya rito na muna kami, para hintayin ang susunod na klase namin at mamayang alas tres pa naman iyon.
"So ano na ba ang status niyong dalawa?" Lorieca asked me while putting down her novel book on her lap.
"May label, pero hindi pa kami," I answered.
Oo may label, pero hindi pa rin kaming dalawa. Nasa stage pa lang siya nang panliligaw sa akin. At sasagutin ko naman siya pag dumating na ulit siya rito. Ayoko lang na sagutin siya gamit lang ang video call o 'di kaya'y text. At handa naman siyang maghintay sa akin.
Sabi niya.
Nakita ko naman ang reaksiyon nila at napapatawa na lamang dahil sa sinabi ko.
"Bakit? Anong nakakatawa?"
"Omg! Claudine. May label nga pero hindi naman in a relationship. Ang bagal pala ng Sir Joaquin mo," Cherrie laughed so hard that there's no tommorow for that.
Hindi siya mabagal, ako ang mabagal. Dahil hindi ko pa rin siya sinasagot hanggang ngayon. Dahil limang buwan na rin ng magsimula siyang manligaw sa akin at kada linggo-linggo nga ay may mga regalo akong natatangap galing sa kaniya.
Sinasabihan ko na siya noon na tumigil, pero wala na rin naman akong magagawa dahil dumating na ang regalo sa akin.
Kaya nga puno na rin ang kabinet namin ni Tiya dahil sa regalong binibigay niya at hindi ko naman iyon magagamit talaga.
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
Fiksi Umum❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...