Chapter 18

132 10 0
                                    

Dinner

Bago pa man umalis sa orphanage ay nagpaalam na muna ako sa dalawa kong pamangkin.

Mabuti na lang ay hindi ako nahirapan na magpa-alam sa kanila. Dahil mabilis lang ang pagkikita naming tatlo. At baka sa susunod na buwan na ulit ako makaka-dalaw dahil sa Lunes ay simula na ng pasukan.

"We didn't see you there, Claudine. Akala ko ay umuwi kana sa mansiyon," si Senyora.

At naandito na kami ngayon sa loob ng van, at papauwi na rin sa mansiyon.

"Doon po ako sa likuran naka-upo, Senyora at tumulong na rin po ako sa mga sisters para mag-ayos sa function hall," I answered.

Nasa passenger seat naman si Joaquin at kami nina Don at Senyora ay nasa back seat.

"Dapat sinabi mo, para roon kana sa tabihan namin naka-upo. But, by the way. Mamaya join us sa dinner."

"Huh? Bakit po, Senyora. Dinner po 'yon, kasama ang partido ni Mr. Agapiña," I asked her astonishment.

"Just do what I've said, Claudine. Hindi kana kung ano sa amin."

Napatango naman ako sa kaniya.

"Opo, Senyora."

"Claudine, ikaw ang magluto ng Kare-kare at adobo. Masarap kang magluto no'n at para na rin matuwa si Handro. Paborito no'n ang adobo. At nasabihan ko na si Lucy na ihanda ang lulutuin mo," Don said while he's patting his lap because of the beat of the music.

"Opo, Don."

"That's good, Claudine."

"Pinuntahan mo pala ang kapatid mo sa kulungan anong nangyari?"

Bago pa man sumagot kay Senyora ay napatingin ako sa rearview mirror, dahil nakatingin na rin sa akin si Joaquin. Ngumiti naman ako sa kaniya at siya ay ganoon din.

Kahit ba naman sa pag ngiti ay napapaindak ang puso ko sa saya.

"Galit pa rin po siya sa akin, dahil sa ginawa ko pong pagpapakulong sa kanila," I answered.

"Ano ang mga sinabi sa 'yo?" tanong pa nito sa akin.

"Ah ano po. Hindi niya naman daw po ako tunay na kapatid. At pag nakalaya siya hindi siya magdadalawang isip na... Ano po...–"

"What it is, Claudine? Pag nakalaya? Anong gagawin?" si Don na iyon at binalingan ako.

"Siguro naman po ay galit lang siya at sanay na rin po ako na palagi niya 'yong sinasabi sa akin na papatayin niya po 'ako...–"

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ng narinig ko ang malutong na mura ni Joaquin at humarap na sa back seat. Pati si Senyora ay napasinghap din sa sinabi ko.

"Your mouth, Joaquin," Don Arthuro warned his grand son because of cursing.

"Yeah! I'm sorry," he answered simply.

"Alam ko pong galit lang po ang kapatid ko sa akin. At sanay na po ako na palagi niyang binabantaan ang buhay ko. At alam ko naman po na magbabago pa rin naman siya," I added.

"That's a threat, Claudine. Hindi natin alam ang gagawin ni Carloz sa 'yo. Mabuti at nakulong na siya. I'll call the police station na bantayan palagi ang galaw ng kapatid mo sa loob ng kulungan. Your brother is a wise man too, gagawa't gagawa 'yon ng paraan para makalabas," lintaya pa ni Don.

"Opo, Don. Nag dodoble ingat naman po ako," I said and couldn't help but to sighed.

Natatakot man ako sa ganoong pagbabanta sa akin ni Kuya Carloz. Mas pinatatatag ko na lamang ang sarili ko.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon