Take an Action
"Oh, bakit yata ang pula ng mukha mo ngayon," Ate Lucy noticed me, while there's now a small smile curved on her lips.
Nakababa na kasi ako galing sa second floor ng mansiyon at dumiretso rito sa kusina. Habang ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari.
"Ha... ano po...! Wala naman po! Mainit po yata! Si–sige po aalis na 'ko...," kabado ko namang sagot sa kaniya at kinuha na ang isang plastic bag na may lamang pasalubong sa dalawa kong pamangkin.
"Oh, siya. Ingat ka!"
"Sige po, pasabi na lang po kay Tiya at Manang na pumunta lang po ako sa baryo. Baka mamayang alas singko na po ako makakauwi."
Nakita ko naman siyang tumango at nagpatuloy na sa ginagawa. Ako naman ay sa kusina dumaan para roon makalabas.
Mabilis ang paglakad ko at hindi mapigilan ng sarili ko na tumingin sa balkonahe ng kwarto ni Sir Joaquin. Mabuti na lang at wala siya roon. Siguro ay nagsisimula na naman itong magtrabaho gamit ang laptop niya.
Dahil sa mabilis na paglalakad ay nakalabas 'agad ako sa mansiyon at nakakita naman ng tricycle na masasakyan papunta sa baryo.
Hindi naman matagal ang byahe dahil malapit lang iyon at sa labas ako ng bahay ibinaba ng driver.
"Issa, Jessa!" I called as I carefully entered the house, because my brother might be there again.
Wala naman akong nakitang tao sa loob at hindi ko mapigilan na pagmasdan ang buong bahay dahil sa sobrang kalat.
Ang mga maruruming damit ay nasa sahig, ang lamesa ay may mga pinggan na sa tingin ko ay tumigas na roon ang kanin at nilalagam na. May mga botelya ng alak sa ilalim ng lamesa at ang sahig ay hindi man lang nawawalisan, pati na rin ang mga gamit ay puno na rin ng alikabok.
"Tao pa ba ang nakatira rito?" sambit ko sa sarili ko.
Isa-isa ko namang pinulot ang mga damit na maruruming nakakalat sa sahig at iniligay iyon sa isang balde. Pati ang lamesa ay nilinis ko rin at ang mga pinggang marurumi ay nilagay ko muna sa lababo.
Hindi ko naman mapigilan na takpan ang ilong ko dahil sa amoy na panis na pagkain. Huhugasan ko na sana iyon ng may marinig akong iyak ng mga bata at sa tingin ko ay si Issa at Jessa iyon.
"Walang'yang mga bata kayo! Natalo ako sa sugal dahil sa inyong dalawa! Sabi ko naman sa inyo na 'wag na 'wag kayong lalapit pag nagsusugal ako, dahil minamalas ako! Lintek na buhay 'to! Dapat pinalaglag ko na lang kayo! Tangina! Tumahimik ka sa pag-iyak Issa! Baka mapatay kitang bata ka!"
Ayon ang narinig kong sigaw ni Judith sa mga anak niya. Kaya naman mabilisan akong lumabas ng bahay at nakita ko ang dalawa kong pamangkin na pinapalo na ng kanilang ina, habang nakadapa na sa lupa.
"Ate Judith, tama na 'yan!" Sigaw ko naman at mabilisang nilapitan ang dalawa kong pamangkin at itinayo.
Nilagay ko naman sila sa likod ko at ramdam ko ang takot nila habang nakakapit na nang sobrang higpit sa baywang ko.
"Oh, ikaw pala, Claudine!" ngisi naman nitong wika sa akin, habang naninigarilyo at ang usok na 'yon ay ibinuga pa sa mukha ko.
Hindi naman ako huminga at tinabunan lang ang ilong ko.
"Wow! Napaka-sosyal naman ng kapatid ni Carloz. Tumira lang sa mansiyon ng Gutierrez ganiyan na kung umasta na para bang mayaman! Gaga! Katulong ka lang din doon!" she shouted at me and laughed so hard that there's no tommorow for that.
![](https://img.wattpad.com/cover/250090535-288-k51309.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
Ficción General❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...