Excited
"Sasali pala si Emiliéna. Siya ulit 'yong napili sa department nila," narinig kong lintaya ng ka block mates ko sa likuran namin.
"Eh? Talaga? Nakasali na siya last time, ah! Ayaw pa rin mag paawat. As if naman na mananalo ulit siya," mataray naman na wika ni Cherrie at may pa roll eyes pa itong nalalaman nang bumaling ako sa tabi niya at kausap na ang kaklase namin na si Lena.
"S'ympre gusto no'n manalo, kasi hindi man lang siya napasali sa final round," sagot naman ni Lena.
"Mabuti na rin 'yon. Para hindi lumaki ulo niya."
"Cherrie. Stop it na. Baka may makarinig pa sa 'yo," pagsasaway naman ni Lorieca sa kaniya.
"Gaga! Mainit pa rin ulo ko ro'n sa bruhildang iyon. Hindi na nga inaaway si Claudine, ikaw naman ang napag diskitahan. Alam na ba 'to ni Laurence? Kung anong pinagsasasabi ng babaeng 'yon sa 'yo. Kung hindi lang talaga magka-alyado 'yang papa niya at papa mo ay nako, noon pa dapat 'yan natin nasabunutan," high blood na nitong lintaya.
"Don't worry, Cherrie. Pabayaan mo na lang si Emiliéna. I can handle myself naman. Ayoko nang sabihin pa 'to kay na Papa. Alam mo naman na dalawang buwan na lang ay magsta-start na ang botohan. Ayoko lang gumawa ng eksena," Lorieca pouted.
Narinig ko na lamang na bumuntong hininga si Cherrie.
"Okay. Iyan ang sabi mo. Pero pag may ginawa na naman 'yong babae na 'yon. Hindi na talaga ako magdadalawang isip na sabunutan siya. T'ska ba't pa siya ang kinuha ng college department nila. Marami namang magaganda roon, kaysa kay Emiliéna," nag make face pa ito.
At sa sobrang gigil ay may nalalaman pa itong pasuntok sa hangin. At ang iba naming kaklase ay natatawa na lang sa ginagawa ni Cherrie.
"Okay lang sa 'yo na makalaban si Emiliéna, Claudine?" Lorieca asked me suddenly.
I just shrugged and nodded at her.
"Wala naman akong magagawa. I'll enjoy the contest. Manalo man o matalo."
"Alam niyo naman na marunong 'yon sa mga dirty games 'di ba. You need to double care, Claudine. Nadapa at na sprained si Sophia, dahil sa kaniya. Dahil akala niya ay si Sophia ang mananalo, pati magkaaway rin ang dalawa dati. Ewan ko na lang bakit ngayon naging magkaibigan na ang dalawa," si Cherrie naman iyon.
At tinutukoy niya yung sa kabilang department sa accountancy na si Sophia, dahil sumali rin ito last time. At hindi na pinatapos ang laban, dahil hindi na makalakad.
"I saw it din 'yon. Pero wala man lang may nagreklamo at pinabayaan na lamang ng department nila," dagdag pa ni Lorieca at nagtipa naman ito sa laptop niya, para sa reporting nito mamaya.
"Kasi pinabayaan na lamang. Pati si Sophia ay hindi na nag reklamo at pinabayaan na lamang na huwag nang mag reklamo. Dahil kahit anong gawin, mas may kapangyarihan si Emiliéna kaysa sa kaniya. Ang spoiled brat na 'yon. Parang hindi anak ni Mayor," mahina at diin naman nitong lintaya.
"Shut up na, Cherrie. Baka naman hindi na 'yon gagawin ni Emiliéna. Mag dodoble ingat na lamang ako pag nasa stage na."
Tumango naman ang dalawa sa akin. At humarap na kami ngayon sa harapan dahil kakarating lang din ng prof namin sa EXP at may reporting na magaganap.
Mabuti na lang talaga at tapos na ako kahapon pa., kami ni Cherrie. At si Lorie naman ay ngayon.
Nagsimula naman kaming makinig at naging maayos naman ang pag rereporting ni Lorieca sa harapan namin. At may kaunting tanong lang din ang mga classmates namin at ang prof.
![](https://img.wattpad.com/cover/250090535-288-k51309.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
Fiction générale❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...