Chapter 9

161 11 0
                                    

Save

Dahan-dahan ko namang inalis ang dalawa kong kamay sa mukha ko. And started to looked at him now. Pero nakatayo lang ito ngayon at nakahalukipkip sa harapan ko, nang marinig niya sa akin, na meron akong menstruation period ngayon.

At ngayon ramdam ko na ang pag-init ng mukha ko, dahil sa hiya at lagnat.

"Sorry! Ba't kasi naandito ako sa kwarto mo?!" giit at hiya kong tanong ngayon sa kaniya.

But I heard him laughed in a manly way and sit now on his bed, in front of me.

"Oh, Claudine. It just normal for all the girls to have menstruation. Why are you so ashamed for saying the truth to me. I thought, I did something wrong, that I made you cried. Oh! What the hell! Is that because of that god damn, period!" he said in an amused tone at hindi pa rin mapigilan na mag mura.

"Hindi ka galit? Kasi ano... ano... nalagyan ng dugo...–?" hirap kong tanong sa kaniya.

He just chuckled at me and he just shooked his head na hindi nga siya galit sa akin.

"Why would I get angry at you. It just normal and you don't know at all, that you're having a period... –"

Hindi ko naman siya pinatapos sa sinabi niya, dahil inilagay ko lang naman ang kanang kamay ko sa bibig niya para patigilin siya. Hanla! Bakit normal lang sa kaniya na sabihin 'yon. Because for me it's really disgusting in my ears, especially na lalaki pa naman siya. At never ko pa siyang makita na ganito ang mga reaksiyon na lumalabas sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan na mailang, pero nagpapasalamat ako, kasi he's now talking to me casually and not in a formal way.

Tama nga siguro sina Senyora at Don, I'll be the one who can help Sir Joaquin to out of his mysteriousness. At helpful iyon, dahil bumabalik na raw ito sa dati. Siguro tama lang talaga na nag bakasyon siya rito, to help himself to relax at umalis muna sa mga stress. Pero pa'no pag bumalik na siya sa Manila, magbabago na kaya ang ugali nito. I know worried lang sila sa kalagayan ni Sir Joaquin, dahil na rin bata pa lamang ito marami ng responsibilities ang ibinigay sa kaniya. At sa tingin ko, he didn't enjoyed his teenager life.

Nagulat naman ako nang sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa and until now ang kamay ko'y nasa bibig niya pa. But I can see on his ash brown eyes now the amusement because of what I did. Kaya naman mabilisan ko iyong inalis at lumayo-layo sa kaniya, habang nakatabon pa rin ang comforter nito sa akin.

Narinig ko naman ang pag click ng door knob sa kwarto niya at baka si Senyora ulit iyon. Kaya naman mas lalo lang akong lumayo kay Sir Joaquin at siya naman ay tumayo na.

Pero kita ko na ngayon ang nakakaloko nitong ngisi sa akin. At humalukipkip na nang maramdaman niyang nakapasok na si Senyora at bumalik na ulit sa dati ang expression nito na blangko, pero kahit anong gawin niya, kita sa mata niya na nasisiyahan siya.

Napansin ko naman na kasama na ngayon ni Senyora si Tiya Bel at Ate Lucy, habang si Ate Lucy ay may dala nang pamalit sa kama ni Sir Joaquin.

"Hijo, doon ka na muna sa isang guest room, matulog. Ipapa-ayos ko na muna ang kama mo, kay Lucy," Senyora said in a calm way, while she's looking now to Sir Joaquin, na prente pa ring nakatingin sa akin.

Nakita ko naman siyang tumango kay Senyora at walang dahilan nang umalis dito sa kwarto niya. Pero kita na roon sa amin ang multo nitong ngiti, bago siya makalabas. Umiling-iling na lamang si Senyora sa inakto ni Sir Joaquin, habang si Ate Lucy naman ay hindi mapigilan na magtaka at mapangiti.

Si Tiya Bel naman ay kinapa ang noo ko para tingnan kung may lagnat pa ba 'ko.

"Nako, Claudine. Tara na at hindi pa rin bumababa ang lagnat mo. Tapos nagka-roon kapa...!" iling-iling ni Tiya sa akin.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon