Montenegro
"Ayaw mo bang mag-suot ng t-shirt campaign ng partido ng Papa mo, Claudine?" Tiya Bel asked me.
Umiling lang naman ako sa kaniya, habang inaayos ang buhok ko.
"Huwag na, Tiya. T'ska ayokong magkaroon na naman ng issue. Botohan na ngayon, at baka magsiksikan na sa kada presinto kaya bilisan na po natin. At alam naman po ni Papa na sumusuporta naman po ako sa kaniya, kahit na hindi pa 'ko sumasama sa pag kakampanya nito. Lumalayo lang po ako sa sasabihin ng ibang mga tao," paliwanag ko naman dito.
"Kung sabagay. Tara na, baka naka-ayos na sina Senyora," ani nito at lumabas na sa kwarto.
Hindi na kami sa maid quarters natutulog, dahil ayon na rin sa sinabi ni Papa. Hindi rin nila ako pinipilit na sa kanilang bahay tumira, dahil alam nilang hindi ko rin gusto na umalis dito sa mansiyon, lalo na't dito na 'ko lumaki at nasanay.
Si Tiya naman ay gusto pa rin na sa maid quarters siya matulog, pero nag request pa rin ako sa kaniya na rito na rin siya matulog katabi ko.
At kahit alam ko na kung sino talaga ako, ay hindi pa rin naman nagbago ang kinagisnan ko. Tumutulong pa rin naman ako sa mga gawain dito sa mansiyon. At minsan nga ay sinusuway na 'ko nina Ate Lucy at Manang.
Kaya ang parati kong sinasabi sa kanila. Walang may nagbago. Ang nagbago lang ay nalaman kong may dugo rin akong Ezenias. Pero ang mga nakagawian ko na sa mansiyon ay hindi na iyon magbabago pa.
"Pauunahin muna nating pabotohin ang dalawa, para may makasama muna sila. Mahirap na at siksikan. May mga guards namang nakabantay sa atin. Kaya lang ay, sa ibang presinto naka rehistro ang pangalan nating dalawa."
Tumango naman ako kay Tiya Bel habang sinasabi iyon sa akin. Iba kasi ang number namin at malayo-layo iyon kayna Senyora. Mabuti na lang din at alam namin 'yong presinto kung saan kami boboto, dahil sinabi na iyon ng sekretarya ni Papa, kahapon.
Mauuna kaming bumoto at ang mga Ezenias ay mamayang hapon pa, para hindi gaaanong maging crowded.
Gaya nga ng sinabi ni Tiya pagkarating namin sa school na malapit sa mansiyon ay sina Don muna ang pina-una namin at hinintay sila. Marami-rami na rin ang mga taong nakapila.
Pero dahil senior na ang dalawa ay hindi na nila kailangan pang pumila. At alam naman nila kung ano ang mag-asawang Gutierrez sa lugar na ito.
"Mabuti't walang aberya sa machine na ginamit. Maayos at mabilis lang...," iyon 'agad ang sinabi ni Don nang matapos sila ni Senyora.
"Hihintayin na lang namin kayong dalawa rito sa Van. Maribel, si Claudine," lintaya pa ni Senyora, bago sila pumasok sa loob ng sasakyan ni Don.
"Opo," sagot naman ni Tiya.
Hindi naman kami nag-aksaya pa ng oras ni Tiya Bel at pumasok ulit sa loob.
Mga ilang minuto rin bago kami makaboto, dahil pilahan. Pero nang makapasok na kami sa loob ay naging smooth na lang ang nangyari. At tama nga si Don, walang aberya, lalo na't hands on ang mga teacher na nasa loob.
"Ang bilis niyo yata?" tanong ni Ate Lucy sa akin, pagkapasok ko pa lamang sa kusina.
"Maayos naman po roon at walang aberya, puwede na po kayong pumunta roon at bumoto. Kami na po ang bahala rito ni Tiya Bel."
"Oh sige. Tawagin ko lang si Manang Rosalia at nagbibihis na iyon. Ikaw na muna ang magpatuloy nitong chapsouey na niluluto ko," lintaya nito habang hinuhubad na ang apron nitong suot.
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
Ficção Geral❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...