Birthday
Ayoko pang bumalik sa Bicol, pero hindi puwede.
Naandito na kami ngayon sa airport para mabilis lang na makarating sa Bicol.
"See you, my love?" yakap na sa akin ni Joaquin.
"Bibisitahin mo naman ako 'di ba?"
"Of course. I'll visit you anytime."
Napangisi naman ako sa sinabi nito. Alam kung gagawin niya iyon. Lalo na't may gagawin pala itong project sa Daraga, kaya palagi itong makakabisita.
Hindi pa talaga na settle ang project na iyon, pero alam naman naming lahat na matutuloy iyon.
Ka partner nila ang Montenegro, kaya rin pala bumili nang lupa roon si Tito Nelson.
At nang umuwi kami kagabi sa bahay nila Joaquin. Sinabi na namin ang totoo sa kanila.
That we're engaged.
Pero nabatukan pa ito ni Tita Teresita, dahil bakit hindi man lang ginawang magarbo 'yong proposal ni Joaquin sa akin.
Natuwa na lamang ako sa reaksiyon na 'yon ni Tita Teresita.
Hindi naman kasi ako naghahangad ng magarbo para roon. Gusto ko 'yong simple lang at walang araw na pinag desisyonan.
Natatakot pa nga ako sa una, na baka hindi sila sang-ayon sa naging desisyon namin. Lalo na't twenty two pa lang ako at si Joaquin ay mag twe-twenty five pa lang.
Pero masaya sila. Lalong lalo na ang dalawang matanda. At gusto pa nga nila na magka-apo na 'agad sa tuhod.
Kaya naman hindi ko alam ang i-re-react ko sa dalawa.
Wala pang napag-usapan tungkol sa kasal. At sinabi ko naman sa umpisa pa lang. I want to graduate and to pass my board exam.
Kahit si Papa at Tita Frezilla ay sang-ayon din sa engagement namin ni Joaquin.
Pero, marami rin silang sinabi sa amin. At alam namin na makakabuti rin iyon sa amin ni Joaquin.
Marami pa ang mangyayari at marami pang kanin ang kakainin namin ni Joaquin.
Hindi na rin namin nasambit ang tungkol kay Cleya Neshia.
Meron mang guilt sa puso ko. Pero alam kong, malawak ang pag-iisip ng pinsan ko. Nauunawaan niya ang sitwasiyon at tanggap niya na iyon.
Alam kong maaga pa para mawala ang sakit na nararamdaman niya kay Joaquin. At kung paano siya makaka-move one.
"Hmm... Alis na kami," paalam ko na sa kaniya.
"Okay, I love you," mabilis na nitong halik sa akin.
Hindi pa rin ako sanay na hinahalikan ako nito sa harap ng mga magulang namin kaya naman nahampas ko ito. Pero tumawa lang naman siya.
"I love you too, Joaquin."
Bago pa man kami maka-pasok ay nagpaalam na rin ako kayna Tito Theodore at Tita Teresita.
Naging mabilis lang ang flight namin at byahe para maka-uwi sa mansiyon.
Nag text na rin ako kay Joaquin na maayos lang ang naging byahe.
Gabi na rin iyon, dahil alas sais kami umalis ng Manila.
Sina Papa at Tita Frezilla naman ay sa bahay nila dumiretso.
Habang si Senyora naman ay sumama ang pakiramdam at nahihilo, dahil sa naging byahe namin. Pero naging maayos na naman ito ng makapagpahinga.
Sa tulong na rin ng family doctor nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/250090535-288-k51309.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
General Fiction❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...