Chapter 31

106 7 0
                                    

Proud

"How's your long ride, with them?" Joaquin asked me after his long and tight hugs.

"Ayon ayos lang. Na miss kita!" yakap ko ulit sa kaniya.

Narinig ko naman ang pagtawa ng nasa likuran namin. At doon ko lang napagtanto na kasama ko nga pala ang Papa ko, si Tita Frezilla at sina Don at Senyora. Pati ang mga magulang niya ay narito rin.

It's been a month ng matapos ang eleksiyon. At ngayon ay June na and we're here to witness and congratulate Joaquin for being the new CEO of their company.

Kakarating lang naming lima sa mahabang byahe. Kaming lima lang ang nakapunta rito sa Manila, dahil busy si Tito Eduardo at ang nanalong bagong Governador ng Bicol na si Tito Lorento Agapiña.

Tommorow ay uuwi rin sina Papa at Tita Frezilla, dahil may trabaho pa rin naman si Papa. Kailangan din siya ng mga tao.

Nagkaroon din ng maliit na selebrasiyon dahil marami sa partido nina papa ang nanalo. Lahat naman sa bayang iyon ay nagsaya, dahil mas mapapa-ayos ang kabutihan sa bayang iyon at matututukan lahat ng problema at hinanaing ng mga tao. At matulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong nila.

"Congratulations for being the new Mayor Handro," lintaya naman ni Tito Theodore kay Papa.

Nag-usap pa ang dalawa at ang tatlong kababaihan naman na si Tita Teres, Senyora at Tita Frezilla ay ganoon din ang ginawa.

"Hayaan na muna natin silang mag get together," sambit ko pa.

Naramdaman ko naman na hinawakan ako sa baywang ni Joaquin at napatawa na lamang ako sa ginawa nito.

Mabuti na lang at wala na 'yong anim sa pwesto namin.

"I miss you...," sambit nito at nag nakaw pa ito ng halik sa akin.

Mabilis lang naman iyon. Hindi ko tuloy mapigilan na takpan ang bibig ko at tampalin siya nang mahina.

Pumunta naman kami sa living room nila, kung saan wala roon ang anim. Siguro ay naandoon sila sa dining area.

Grabe napakalaki rin ng bahay nila rito. At napaka modern ng mga muebles.

"Are you hungry?" he asked me, while caressing my hair.

Umiling naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Busog pa 'ko, gusto ko lang muna magpahinga, at sobrang haba ng byahe naming lima. Nakakahilo rin pala. Hindi ako sanay," sandal ko pa sa kaniya.

Narinig ko naman ang ala musika nitong pagtawa.

"Do you want to sleep. Gigisingin na lang kita. Mamaya pa naman ang event sa company, may oras pa kayo para magpahinga."

"Hmmm... Sige. Nga pala? Hindi ko nakita ang kapatid mong si Javier. Nasaan?" baling ko sa kaniya.

"He's doing his stuff at his condo. Marami pa siyang dapat na ipasa sa mga subject niya. Later you'll see him, pagdating natin sa kompaniya."

"Eh 'yong kapatid mong babae? Hindi ba siya uuwi?"

Nakita ko naman siyang umiling.

"She's still in Australia. We don't know yet, kung kailan niya balak umuwi rito. Siguro pag naging 18 na ito, dito siya mag cecelebrate ng debut niya."

Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na nag tanong pa. Alam ko naman kung bakit napapunta roon ang kapatid niya. At naaawa rin ako, dahil ilang years na rin itong hindi umuuwi. Sana naman ay maging maayos na sila ng Mama niya. Sa tingin ko ay 17 years old pa lang si Ellaina, at 7 years ang agwat nila ni Joaquin.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon