Daughter
Nang madatnan ko sa garden si Sir Handro o tawagin na lamang na ama ko. Naka-upo lang ito sa garden chair. Hindi na naman mainit dahil hapon na rin naman.
Mag-isa lang siya at nang makita ako nitong paparating ay 'agad itong tumayo at binigyan ako ng isang ngiti na para bang nasisiyahan siya, dahil sa wakas ay magkaka-usap na rin kaming dalawa.
"I thought you're not coming. I'm glad you came and want to talk with me," panimula pa nito sa akin.
Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. At hindi pa man nagsisimula ang magiging usapan ay naiiyak na 'ko.
Nawala naman ang ngiti nito at tumikhim. Alam ko na nag dodoble ingat lang ito sa mga sasabihin niya sa akin.
Nang hindi ko pa man alam na siya talaga ang tunay kong ama, ay sobrang lapit na namin sa isa't-isa. At napaghinalaan ko pa na naging ex ito ni Tiya. Pati si Cherrie ay iba rin ang tingin.
Pero nang malaman nila ay nagulat din sila. Hindi ko sinabi sa dalawa kong kaibigan, at nalaman lang nila sa balita, pati na rin sa mga chismosa sa baryo.
Wala na rin naman akong paki-alam sa mga sasabihin ng mga ibang tao sa akin. Kung anak man 'ko ni Sir Handro at may nananalatay na dugo ng mga Ezenias sa akin.
Umupo naman ako ng may dalawang garden chair na nakapagitna sa aming dalawa. At may nakita rin akong blue box na nakapatong sa lamesa. Luma na iyon at hindi ko alam, kung ano ang laman.
"Narito po ako, Sir...–," diin kong sambit sa Sir.
Dahil gano'n pa rin naman ang itatawag ko sa kaniya, kahit na siya ang totoo kung ama. Mahirap baguhin, kung ayon na ang nakasanayan.
"Hindi dahil sa inyo. Narito po ako, kasi gusto kong malaman lahat nang mga katanungan sa isipan ko ngayon...," dagdag ko at naglabas nang sobrang bigat na paghinga.
Narinig ko rin ang paghinga nito at para bang hindi niya alam kung saan siya magsisimula.
"I'm sorry, Claudine...," he started and his eyes are now teary.
"Ilang beses ko na po 'yan, narinig sa inyo. Gusto ko lang po malaman, kung bakit kayo ang ama ko? Bakit ngayon ko lang nalaman at sa away niyo pa ni Tiya Bel ko narinig. At kung bakit hindi ka man lang nag-paalam kay Nanay na pupunta ka ng italy o kaya'y pindalhan man lang siya ng sulat. Hindi niyo man lang alam na may dinadala siya at kung ano ang ginawa ng magulang niyo sa kaniya. At nalaman niyo lang po na may anak kayo dahil 'yon kay Senyora at Don. Kaya po pala, iba ang pakikitungo niyo sa akin. Pero bakit naniwala 'agad kayo na anak niyo ako? Hindi man lang ba kayo nagdalawang isip...? O kahit resulta man lang ng DNA na anak niyo po talaga ako kay Nanay Claudette!?" hinahapo ko nang mga tanong sa kaniya.
Ayoko nang mag-aksaya pa ng oras.
Oo, kilalang-kilala ko ang sarili ko at hindi ako mabilis magtanim ng galit at kahit kay Emiliéna noon, na walang ginawa kun'di sirain ako at pahiyain sa mga salita niya. Nagtitimpi ako at hindi na nag-aaksaya na bigyan pa 'yon ng atensiyon.
Pero itong kay Sir Handro ay lampas ng isang linggo ay hindi pa rin mawala-wala ang galit ko sa kaniya. Kahit pati na rin sa mga magulang nitong wala na.
Mabilis kong napatawad si Tiya, dahil alam kong inaalala lang ako nito. Wala rin siyang kasalanan. At malaki na rin ang naitulong ni Senyora at Don sa akin. Dahil kung hindi sa kanila, ay hindi malalaman ni Sir Handro na anak ako nito at hindi ito uuwi sa Bicol.
"I didn't doubt when I first saw your picture, Claudine. I didn't doubt when Tita told me that you're my daughter with Claudette. I know it's too late, at ngayon mo lang nalaman...," bumuntong hininga siya at para bang nahihirapan dahil ngayon lang ito nag explain.
BINABASA MO ANG
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
General Fiction❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...