Loisa's POV
Bestfriend. Ano nga ba ang salitang bestfriend? Para sa akin siya yung kaibigan mo na sobrang malapit sayo na karamay mo sa saya at lungkot. Sa ups and downs ng buhay mo. Sa best and worst na nararanasan mo.
Maris and I had that for a long time, but it ended when Nico came into the picture.
Lahat ng memories ko with my bestfriend naglaho. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako ngayon habang sya..ayun.. maraming kausap na mga girls. Mga girls na may crush kay Nico. Mga girls na mean sa akin. Mga girls na botong boto kay Maris.
Nakaupo ako sa isang bench ng school ground namin, nagre-review ako para sa periodic test namin pero walang pumapasok sa utak ko. Ilang araw na lang ay graduation na namin. I need to pass all our exams.
I couldn't help but observe all the distractions right in front of my sight. Maris and the girls were just giggling. Masakit sa pakiramdam na parang wala na lang ako para sa dati kong bestfriend.
Nakasimangot ka na lang palagi.
Parang ikaw lang ang nag-mamay-ari..
Ng lahat ng sama ng loob.
Nandirito ako na kaibigan mong tunay dadamay sayo..What the!!! Biglang tumunog ang cellphone ko..boses ni Joshua kumakanta. Anyare??? Baliw na lalaking yun, nag-record ng boses sa phone ko at ginawa pang ringing tone.
"Hoy baliw ka!"naiinis kong bati kay Joshua.
"Ano na naman ginawa ko sayo? Eto lagi na lang" sagot niya.
"Nyenyunyeynye yung ringing tone ko, baliw! Lakas trip ka na naman!" Inis kong sabi sa kanya.
"HAHAHAHA okay naman di ba? Tagos ba sa puso mo? Nakasimangot ka na naman no?... Okay nga yan para pag nalulungkot ka, pakinggan mo lang. Ngingiti na yan! Ngingiti na yan!" cheer ni Joshua.
Pero totoo, if there's someone I need right now..it is having a real friend. Kahit malakas mang-asar tong si Joshua at kahit palagi kaming nag-aaway na parang mga aso at pusa, palagi naman syang andyan para damayan ako or patawanin ako. Kahit minsan pikon na pikon na ako sa pang-aasar niya.
"May psychic power ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Uuyyy may banat sya. Sige. Bakit?" natatawang tanong niya sa kabilang linya.
"Sira! Tanong talaga yun! Hindi banat. Palibhasa gawain mo" sabi ko.
"Eh bakit mo tinatanong?" Seryoso na niyang tanong.
"Wala lang. Kasi laging timing na dumarating ka or nagpaparamdam ka pag malungkot ako" sagot ko.
Biglang tumahimik sa kabilang linya. I checked my phone pero hindi naman nag-drop yung call.
"Huy! Andyan ka pa?!" pambubulabog ko sa kanya.
"Aray! Tenga ko!" Sigaw niya.
Parang nakikita ko na itsura nya. Yung mukha niya nakakatawa pag nagugulat sya hahaha.
"Mag-isa ka na naman dyan?" Seryoso niyang tanong.
"Malamang. Kaya nga malungkot ako di ba? Kasi mag-isa lang ako dito"
I heard him exhaled a deep breath.
"Sana anghel na lang ako..." bigla niyang sabi.
"Pinagsasabi mo?" Natatawang tanong ko.
"Para palagi akong nasa tabi mo kapag nag-iisa at nalulungkot ka"
"Hahaha corny mo Joshua. Corny mo!"
Somehow nakalimutan ko na mag-isa ako ngayong araw na to. Joshua lifted up my mood.
"Sige na, magre-review na ko kasi may exam ako today" paalam ko sa kanya.
"Go Yobab! Kaya mo yan! Kailangan mong maipasa yang test mo. Pag napasa mo yan, may gift ako sayo!" Pagchi-cheer pa ni Joshua.
" Wehhh??? Siguraduhin mo na tutuparin mo yang paandar mo na yan, Joshua. Pag hindi, sapak ka sa akin".
" Ang salita ni Joshua ay hindi nababali" sabi niya as if sure na sure siya.
" Oo na. Promise papasa ako. Sige na bye!" Paalam ko.
I looked up the sky and inhaled the fresh air as I had my eyes closed. Pagkahinga ko ng malalim ay muli kong binuklat ang aklat na hawak ko. This time, I feel stress-free. Hindi ko na rin napansin ang mga babaeng nagtatawanan sa kabila.
Pakiramdam ko may ilang tinik sa puso ko ang nawala.
--------------
Joshua's POV
Pagkatapos kong kausapin si Loisa ay nagtatatakbo ulit ako papunta sa laboratory ni Manolo. Ang lugar na naging constant taguan ko tuwing lumalayo ako sa paningin ng pambansang nuno sa punso na si Kiray.
Because of that, nagka-bestfriend ako sa katauhan ni Manolo.
"Bro, wala na si Kiray. Labas ka na dyan", Manolo was chuckling when he advised me to get out of the empty cabinet na nilinis niya para sa akin.
"Whoooohhh!!!" Napahawak ako sa tuhod ko habang hinihingal.
"Until when are you going to run away and hide from her? Bro, I think you should tell her directly na tantanan ka na niya" payo ni Manolo sa akin habang hinuhugasan niya ang tubes na ginamit niya sa pag-e-experiment.
"Sinabi ko na naman yun sa kanya. Ang kulit kulit ng babaeng yun. Habol pa rin ng habol" I said as I stood up straight.
"Ah talaga...makulit talaga siya ha.."
"Oo bro! Nakakainis eh"
"Alam mo anong sagot dyan para tumigil na siya sa paghabol"
"Ano?" Interesado kong tanong sa kanya. I will consider his suggestion para lang matantanan na ko ng babaeng punso na yun.
Huminto si Manolo sa paghuhugas ng tubes at humarap sa akin.
"Another girl, bro. Mag-girlfriend ka na kasi para nakikita niya na wala na siyang pag-asa sayo. Yun lang ang makaka-solve sa problema mo" he seriously said.
Natawa ako sa narinig ko. Girlfriend? Seryoso???
"Haha. Nice one, Einstein" ngingiti ngiti akong lumapit kay Manolo sabay tapik sa balikat niya. Tumalikod ako at dahan dahang naglakad palabas ng laboratory while my two hands are inside my pocket.
" Take it from the genius!" pahabol na sigaw ni Manolo. Hindi ako lumingon sa kanya. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko as I signed "Peace Out"
BINABASA MO ANG
Short Girl and a Tall Guy
Teen FictionSabi nila, one of the best equations ever made is short girl + tall guy = cute. Sabi ko naman.. "not true, tall guys ignore me". - Loisa Sabi nila, tall guys find short girls attractive. Sabi ko naman.. "not my cup of tea". - Joshua ----------- Disc...