Chapter 2

1.1K 19 3
                                    

So here I am with..of course..who else? My best friend with a brilliant mind!

Andito kami ngayon sa labas ng malaking gate ng isa sa prestigious university ng bansa -- Star Magic University. Grabehhh pangarap kong makapasok sa school na to pero I heard na mahirap daw to get in. Andaming proseso, and I am not proud of my grades.

So ano nga ulit ginagawa namin dito?

Ay oo nga pala, idea ito ng best friend kong matalino.

Wanted: Mr. Tall Guy for Ms. Short Girl

Naku!!! Nakakainis!!!

Nakakainis kapag napagdidiinan na maliit ako pero anong magagawa? Ako na to eh!

"Maris...hindi pa ba tayo papasok? Kanina pa tayo dito, ang sakit na ng mga binti ko" pagrereklamo ko.

"Oo Loisa saglit lang. Tawagan ko lang friend ko para sunduin nya tayo dito sa labas" sabay dial sa cellphone niya.

"Nichole! Nasaan ka na? Sunduin mo na kami. Yes, nandito kami sa labas ng gate niyo...aha..yeah, dito sa main gate" sagot ni Maris sa kausap nya sa kabilang linya.

"Okay bye! Loisa papunta na si Nichole dito"

"Grabe Maris mag-work kaya yang plano mo?"

"Magwo-work yan! Magpakaayos ka lang atsaka can you please do me a favor?"

"Sabi na nga ba may kapalit tong pagtulong mo sakin eh"

"Sira! Para rin sayo ang hihingin kong pabor. Puwede ba just for once, kahit today lang..mag-behave ka muna" naiiritang sabi ni Maris.

"Okay, fine! Eh bakit naman kasi dit ---"

"Maaariiisss!!!" Sigaw ng isang babaeng papalapit sa amin, naputol tuloy ang sinasabi ko.

"Nichole!!!" Sigaw ni Maris. Hmp! OA naman ng dalawang to. Binge ang peg???

Nang makalapit sa amin ang babae, nag-hug sila ni Maris. After ng hug nila, lumapit sa akin ang girl.

"You must be Loisa, hello Loisa. I'm Nichole" akala ko kakamayan niya ako, nagulat na lang ako ng niyakap niya ako.. ng matagal.. ng mahigpit. Oooopsss medyo nailang ako kaya medyo pinush ko sya ng dahan-dahan.

"Hehe, close tayo te?"

"Ay sorry" ngiti nya. "Anyway, let's go na inside the campus. I'll show you your booth" yaya ni Nichole sa amin ni Maris.

Sinundan namin si Nichole. Grabehhh ang laki ng school na to. Maraming puno sa paligid, ang green ng grass..parang ang lambot nila upuan. Nakita ko ang ibang students na masayang nakaupo sa grass..yung iba nagbabasa ng books while yung iba nagkakantahan habang may naggigitara. Meron ding mga nagpa-practice ng sayaw sa kabilang dulo. Super laki ng field!

Pagkalampas namin sa area namin na yun, bumungad sa amin ang iba't ibang klase ng booth. Sa bawat booth, may mga students na nagbabantay..yung iba namimigay ng fliers. Super daming estudyante sa area na ito ng university.

Nichole: "We are having an annual thanksgiving.  Pasasalamat sa mga students and faculties.  Yang mga booths na yan, mga organizations yan..they use this day also para maka-acquire pa ng mga members. Some students kasi kaka-transfer lang dito or exchange students from other countries".

"Wow ganun talaga katindi ang school ninyo ha, kaya dito talaga ako papasok pagkatapos kong mag high-school. This is my dream school!" masaya at halatang excited na sabi ni Maris. Na-excite din si Nichole sa narinig kaya nagyakap silang dalawa.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot..kasi alam ko kapag dumating na ang time ng graduation namin sa high school, maghihiwalay na kami ni Maris. And hindi imposible na makakapasok sya dito kasi matalino sya, may kaya pamilya nya at higit sa lahat ay talented din sya. Ako? Talent lang meron ako. Pero I will be happy for Maris kasi matutupad ang pangarap nya.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon