Loisa's POV
This is it. Tonight is the night to remember.
Last JS Prom ko na ito kaya it has to be memorable.
Last year, parang roller coaster ang pakiramdam ko. I was nervous, excited, tapos medyo anxious pero it turned out well naman kasi I enjoyed dancing with my girlfriends and of course my best buddy Nico.
Slow dance??? Nope! Hindi kami sumayaw ng slow dance, nahihiya kasi ako sumayaw ng ganun. Hassle!
Kaya ayun, naglaro lang kaming tatlo nina Maris at Nico sa table namin. Nagpustahan kami kung sinong pair ang magiging JS King and Queen. Fortunately wala sa mga napili naming tatlo ang nanalo kaya even lang kaming tatlo otherwise, ang dalawang talo manlilibre ng lunch dun sa nanalo for one week! Sakit sa bulsa nun kung nagkataon!
Few more hours, start na ng prom namin! This time, certain na ko sa feelings ko. Hindi ako nervous or anxious, it's more on "This night has to be perfect" yung ganun kasi hindi na ito mauulit after. So kalma lang and have fun!
"Ayan anak! Tapos na!" excited na sabi ni mamita na nag-ayos ng hair at make-up ko dito sa bahay namin. "Ang ganda..mukha kang Dyosa!" dagdag pa niya habang naka-smile ng malaki.
Actually, bestfriend sya ni mama na nagwo-work sa isang salon malapit sa lugar namin. At opo, bading po sya. Halos anak na rin ang turing niya sa akin at parang second mama ko na rin sya.
Inikot ni mamita ang chair upang makita ko ang sarili ko sa salamin. Woah! Kahit ako na-surprised sa itsura ko.
"Naku Sandie may dalaga na tayo. Naiiyak ako! Ang ganda ganda!" sigaw ni mamita kay mama na kasalukuyang nagpi-prepare ng sarili nya sa kuwarto.
"Natural maganda ang ina!" sigaw ni mama from the room.
"Che!!! Sa akin nagmana ng kagandahan tong si Josefina no!" pataray na sagot ni mamita na bahagyang sinuklay suklay ulit ang buhok ko.
Hindi ako makapagsalita, natatawa na lang ako sa kanila ni mama.
"Sandie nasaan na ang costume bilesss!"
"Eto na bakla" lumabas si mama ng room bitbit ang costume ko at inabot kay mamita.
"Ay ang taray! Sure ka mare ito papasuot mo sa anak-anakan ko? Naku ha baka makapag-asawa ito ng di oras, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Teka susunduin ka ba ni Nico o ihahatid ka netong mudra mo", sunod-sunod na sabi ni mamita.
Yung totoo hindi ako makapagsalita kasi ang totoo, si Joshua ang susundo sa akin. Hindi ko pa masabi kay mama lalo na hindi pa niya kilala si Joshua.
"Hindi ko mahahatid eh gawa ng aalis na rin ako dahil may importanteng lakad ako ngayon. 'Nak, sunduin ka ni Nico di ba?"
Yes!!! Thank you po! Hindi na mahihirapan ang brain cells ko para mag-isip ng kasagutan.
"Yes ma, si Nico susundo sa akin" pagsisinungaling ko.
"Eto bang si Nico ay bestfriend mo lang talaga o jowa mo na?" tanong ni mamita habang maingat na isinusuot sa akin ang costume ko upang hindi nito matamaan ang face ko.
"Jowa? Paaanooo??? Hindi mamita bestfriend lang po" sagot ko. I wish. Sagot ng utak ko.
"Kaya nga tiwala ako dyan kay Nico, o sya paano mauna na ako" kinuha ni mama ang bag nya. " Josefina anak, mag-ingat ha? Tawagan mo ako pag pauwi ka na. Ako susundo sayo" kiniss ako ni mama sa cheeks at nagbeso na rin sya kay mamita.
"Ingat mare" paalam ni mamita kay mama. "Sabihin mo sakin pag may umaaligid aligid sayo ha, sa akin muna sya dadaan para makaliskisan ko" paalala sa akin ni mamita habang tina-touch up nya ang make up ko.
BINABASA MO ANG
Short Girl and a Tall Guy
Teen FictionSabi nila, one of the best equations ever made is short girl + tall guy = cute. Sabi ko naman.. "not true, tall guys ignore me". - Loisa Sabi nila, tall guys find short girls attractive. Sabi ko naman.. "not my cup of tea". - Joshua ----------- Disc...