Chapter 13

618 24 0
                                    

Nagbabatuhan ng mga papel ang mga pasaway na classmates ni Loisa habang hinihintay nilang dumating ang kanilang adviser upang i-announce kung sino ang mga nakapasa sa kanilang periodic test nitong linggo.

Biyernes ng hapon kaya excited na rin ang lahat na matapos ang araw na ito. Ang ibang girls na classmates ni Loisa ay nag-uumpisa na rin mag-make-up dahil ang mga boyfriends nila ay nasa labas na at naghihintay.

Habang ang ilan ay maagang nagsipagdalaga, karamihan naman ay para pa ring mga bata. Habulan dito, habulan doon. Tuksuhan dito, tuksuhan doon. Kabilang si Loisa sa mga kabataang para pa ring bata kung kumilos ngunit tipikal na nagkaka-crush at nai-inlove.

Subalit sa mga oras na iyon, wala sya sa mood makipag-asaran at makipaghabulan. Nilagay niya sa arm chair niya ang bag niya at ginawang unan. Sa loob ng isang linggo ay pag-aaral at pagme-memorize ang inatupag niya kaya pagod na pagod ang utak niya.

"Uhm...Loisa", mahinahong tawag sa kanya ni Maris na lumapit sa tabi niya. Iniangat ni Loisa ang ulo at humarap kay Maris. "....uhm... puwede ba tayong mag-usap?" pagpapatuloy ni Maris habang nakatingin lang si Loisa sa kanya. Hindi ito sumagot...

"Class, go back to your chairs. Let me just return your papers from your other classes then puwede na kayong umuwi", biglang sabi ng kanilang adviser pagkapasok na pagkapasok nito sa kanilang classroom.

YEHEYYY!!! WOOHOO!!! Sigawan ng mga kaklase ni Loisa. Tahimik pa ring nakatingin si Loisa kay Maris. Walang makikitang emosyon sa mukha at mga mata niya. Dahil rin sa pagdating ng adviser nila ay napabalik si Maris sa upuan niya at hindi na naituloy ang pakikipag-usap kay Loisa.

"Okay, enough. Enough. Let me do the talking..." pagsisimula ng kanilang adviser. "...Hindi ba sinabi ko sa inyo na kapag pinagbutihan ninyo ang periodic test which has the highest percentage ay mahahatak nito ang mga low grades ninyo? Well...the good news is, almost everyone ay nakapasa. Some of you even surprised me! On the other hand, meron ding hindi nakapasa" malumanay na pagpapaliwanag ng kanilang adviser na si Mam Esteban.

Natuwa ang lahat nung una, subalit kinabahan din sila sa huling balita na may ilan na hindi pumasa.

"Here is the deal, ang mga hindi pumasa ay bibigyan ng second chance..agree ba kayo doon?" Tanong ni Mam Esteban.

Student 1: Mam, okay lang po sa akin!

Student 2: Sa akin din mam, okay lang!

Student 3: Eh mam hindi ba unfair yun sa mga pumasa?

Student 2: Hindi yan, okay lang yan para maka-graduate tayong lahat at saka paghihirapan din naman nila ang second chance nila.

Student 4: Oo nga naman, pero pag hindi pa rin pumasa eh di kasalanan na nila yun.

Tahimik lang na nag-oobserve si Loisa sa mga kaklase niya. Pakiramdam niya isa siya sa mga hindi pumasa at kailangan na namang mag-retake ng exam. At this point in time, pagod na talaga ang utak niya.

"So who is in favor na bigyan ng second chance ang mga hindi nakapasa?" tanong ni Mam Esteban. Halos karamihan ay umayon sa second chance at kasama doon ay si Loisa.

"Sa dalawang may pinakamataas na grades ang magtuturo sa dalawa ring nakakuha ng F or Fail. Itu-tutor ninyo sila. The two students who excelled are..."

Kinakabahan ang lahat..

"MARIS RACAL and LOISA ANDALIO" announced ni Mam Esteban. Halatang umaliwalas ang mukha ni Loisa dahil natanggalan siya ng tinik sa dibdib.

Binigay na rin ni Mam Esteban ang mga paperworks sa mga estudyante.

"Maris and Loisa, please stay for a while. I already spoke to the other two students na tuturuan ninyo. Wala sila dito today. The rest of you passed the exams with flying colors as well. No need to worry. Maaari na kayong umuwi". Nakangiting sabi ni Mam Esteban.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon