Loisa's POV
Pinapanood ko si Joshua from the balcony sa second story ng bahay. Andun siya sa may tabing dagat kasama ang ibang boys at nag-e-exercise.
Until now iniisip ko pa rin ang sinabi niya noong isang gabi sa yate ilang araw na ang nakararaan. After din ng araw na yun, pagkabalik namin dito sa bahay ay nagbago lalo ang pakikitungo niya sa akin. May kinalaman na naman kaya si Kuya Fourth na nakakita sa amin sa taas ng yate that night?
Pagbalik namin, most of the time si Jane na talaga ang kasama niya. Isang beses nakita ko pa na nagkukulitan sila habang magka-holding hands sa may living room.
"Oh bakit parang ang lalim ng iniisip mo dyan?!" sabi ni Maris na hindi ko namalayan na lumabas galing sa kuwarto namin.
"Wala" sagot ko at muling pinanood ang mga nasa may dalampasigan. Maris also watched them. Katahimikan.
"Maris, bakit ganun? Naguguluhan ako kay Joshua" I broke the silence.
Maris chuckled.
Maris: Sabi na nga ba si Mr. Loverboy na naman yang nasa isip mo eh. Oh ano naman ang ginawa niya na nagpapagulo diyan sa isipan mo?
Kinuwento ko kay Maris ang mga sinabi sa akin ni Joshua sa yate.
Maris: Huh?!!! Sinabi niya yun?!!!
Gulat at nanlaki ang mga mata niya.
"Ssshhh wag kang maingay! Mamaya may makarinig pa. Oo sinabi niya kaya naguguluhan ako"
Maris: Eh inamin naman pala niya feelings niya for you, at nagpapahintay siya sayo, anong magulo doon?
Napakunot ang noo ko at napa-buntong hininga as I faced my bestfriend.
Maris: Ano? Hindi mo ma-gets? Ibig sabihin may feelings talaga sayo si lover boy at nagpapahintay siya sayo. Wag ka mag-entertain ng ibang suitors kasi siya lang dapat ---
"Wait! Wag mo na explain kasi klaro naman yun sa akin no. Ang hindi ko maintindihan kay Joshua ay yung sa kanila ni Jane. Ano yun? Gusto niya dala-dalawa? Tapos ako reserba?" naiinis kong sabi kay Maris.
Maris: Eh malay mo may dahilan talaga siya. Pero ang weird nga kasi dalawa kayo ni Jane na special para sa kanya. Ay! Ewan ang gulo!
Sabay kaming napalingon ni Maris sa baba nang makita namin sina Jane, Ate Vickie at Ate Aina na lumapit sa mga boys at naki-excercise. Parehong lumaki ang mga mata namin ni Maris when Joshua picked Jane up and carry her around habang tawa naman ng tawa si Jane na parang nag-eenjoy. Maya-maya we heard na kinakantsawan na sila ng mga kasama nila sa baba.
Maris and I faced each other na parehong nakanganga.
"OH-MY-GOD" sabay naming nasabi because of disbelief.
Dali-dali akong hinila ni Maris papasok sa kuwarto at umupo kami sa edge ng kama.
Maris: Oh! Pigilan mo yang mga luha na yan. Chin up! Naku ako talaga may kasalanan kung bakit kasi nagpa-wanted Mr. Tall Guy for Ms. Short Girl pa ako! Ayan tuloy!
"Ano ka ba Maris. Hindi ko rin naman akalain na mahuhulog ang loob ko kay Joshua. Siguro kung pumayag yung matangkad na bungal or yung matangkad na kalbo na magpanggap na jowa ko to make Nico jealous baka hindi ako na-fall. Kaso si Joshua masyadong pa-fall eh. Kaya eto, ako si gaga na-fall naman!" I assured Maris na okay ako kasi ayokong i-blame niya pa sarili niya dahil lang dito sa nararamdaman ko.
Nobody's fault but my feelings and si Joshua.
"AHA! Alam ko na! Eh kung pagselosin mo kaya.." Maris stood up na parang nagka-ilaw na naman ang bumbilya sa tuktok ng ulo niya habang nakalagay ang hintuturo sa may chin niya.
BINABASA MO ANG
Short Girl and a Tall Guy
Teen FictionSabi nila, one of the best equations ever made is short girl + tall guy = cute. Sabi ko naman.. "not true, tall guys ignore me". - Loisa Sabi nila, tall guys find short girls attractive. Sabi ko naman.. "not my cup of tea". - Joshua ----------- Disc...