Chapter 14

716 24 5
                                    

Loisa's POV

Mokong na yun, ako pa talaga pinapunta dito sa school nila. Saturday dapat nasa bahay ako at naglilinis ng kuwarto pero eto at nandito ako ngayon para makipagkita sa feeler na yun, paano??

Di bale, mabui na rin na makita ko siya para masabi sa kanya na tapos na ang pagpapanggap niya bilang boyfriend ko. Puwede na rin niyang burahin ang anim na buwang kontrata sa utak niya.

Hay naku, nasaan na ba ang Joshua Garcia na yun. Nakuuu sana hindi ko na lang sinagot yung tawag niya kahapon! At ako pa talaga ang nauna dito noh?

Naglakad lakad ako sa may parking area ng school, nag-iisip na ako ng plano kung paano ako makakapasok sa loob ng campus kung sakaling sarado yung main gate. Yes! Buti na lang naka-pants at shirt ako ngayon!

"Daga!!!" sigaw ng lalaki na kaka-park pa lang ng kotse.

"Ay daga!!!" Napasigaw din ako sa gulat. Sabay takbo sa gilid..hindi ko napansin ang curb kaya natimpalok ako at natumba.

BOGGG!!!

"Ouch! Aray! Aray!" mangiyak ngiyak kong sigaw habang hinihimas ang puwet ko. Napasalampak ako sa matigas na semento..

"Daga! Daga! Yoohooo....daga, nasaan ka? Labas ka na daga..." Tawag nung lalaki.

Buwiset na lalaking yon! Akala ko tutulungan agad ako, yun pala mas importante yung dag---------------

"AH! ARAYYY! Kuya tulong! Patulong naman o!" sigaw ko dun sa lalaking payat na naka-stripe collar shirt na naka-tucked in sa kanyang beige pants. Kumirot ang bandang puwetan ko.

"Ay miss saglit lang. Hahanapin ko lang yung daga ko. Importanteng mahanap ko siya" sagot ng lalaki na hindi man lang humaharap sa direksyon ko. Chini-check niya ang ilalim ng kanyang sasakyan.

Bastos na lalaki to. Nakuuu!!! Daga? Inuna pa ang hayop sa tao? Ganun? - sabi ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" Biglang sabi nung lalaki na nakatingin na pala sa akin. Hindi ko namalayan na lumabas sa bibig ko ang iniisip ko.

Nakasuot siya ng makapal na salamin sa mata.

Ay nerd.

"Ha? Ahh ehhh wala. Baka kasi gusto mo akong tulungan dito noh?.. tapos tutulungan kita hanapin yung daga mo" pag-a-alibi ko.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at dahan-dahan naman niya akong tinayo. Ramdam ko pa rin ang sakit ng puwet ko.

"So ano, hanapin na natin yung daga ko?" sabi niya nang maitayo na niya ako.

"Saglit lang, pahinga lang ako saglit.  Ang sakit talaga" sagot ko habang hawak ang puwetan ko.

"Ha?! Akala ko ba tutulungan mo akong maghanap sa daga ko. Baka kung saan na magsuot yun!" pagpa-panic niyang tugon.

Ay weirdo..

"Oo nga tutulungan nga kita pag di na masakit yung puwetan ko" pero honestly hindi na siya ganun kasakit. I am just making excuses para i-excuse na lang niya ako sa paghahanap ng daga.

"Ahh ganun ba. Saan ba masakit? Patingin nga" bigla siyang umikot at pumunta sa likod ko sabay yuko at tingin sa puwet ko. Alam mo yung isang tuwad ko lang masasanggi na ng mukha niya ang puwet ko. Ganun siya kalapit! As in!

"Bastos!!! Ang bastos mo!!!" Bigla ko siyang naitulak nang hindi sinasadya.

"Aray!" Sigaw niya nang mapahiga sya sa may damuhan. Buti na lang sa may damuhan siya natumba dahil kung hindi baka sa ospital ang uwi ng weirdong tao na toh. Ako pa pagbayarin ng pamilya niya sa pagka-comatose niya.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon