Chapter 8

796 20 1
                                    

"So may boyfriend na pala yang si Ms. Porky. Good! Atleast wala nang rason para dumikit dikit siya kay Nico" sabi ng isang babaeng estudyante na nakatayo sa tapat ng isang malaking puno sa loob ng campus nina Loisa. Kasama nito ang dalawa pang babae na mukhang mean din. Lahat sila ay nakatingin kay Loisa na dumaraan sa harap nila. Katatapos lang ng huling klase niya para sa araw na iyon.

"Hay naku eto na naman ang Mean Girls. Hindi talaga ako tatantanan ng mga mangkukulam na to eh no. Nakuuu pasalamat kayo may bait ako kundi basag na mukha nyo sakin", bulong ni Loisa sa sarili at dire-diretso na lang sa kanyang paglalakad.

"Hey! You!" Sigaw ng isa sa mean girls.

Napahinto si Loisa sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa kinaroroonan ng mga babae.

"Ako?" tanong ni Loisa sabay turo sa sarili niya.

"Of course you, who else?" pa-sarcastic na tanong ng babae. Nilapitan nito si Loisa kasama ang dalawa nitong kaibigan.

"Subukan niyo lang mga mangkukulam, hindi ko kayo sasantuhin" sabi ni Loisa sa isipan nya. Naka-closed fist na ang kanang kamay niya at handa na syang sumabak sa gyera.

"We heard na may boyfriend ka na. The entire 4th year is excited to see and meet him. Dalhin mo sa Prom okay" maarte at pa-demure na sabi ng babae sabay talikod ng mga ito kay Loisa.

"Nyenyenyenye" naiinis na sabi ni Loisa habang iniikot ang kanyang mga mata nang makalayo na ang mga babae. "If I know gusto nyo lang masolo si Nico! Hmmppfff nakakainis kasi yang si Joshua pumunta pa dito sa school! Nalaman tuloy ng lahat!"

"Huy! Nagsasalita ka dyan mag-isa. Baliw na???" Biglang sumulpot si Maris sa likod ni Loisa.

"Nakakainis kasi Maris eh! Ikaw kasi eh!"

"O bakit nadamay ako kakarating ko lang. Tulungan mo nga ako dito nang may pakinabang naman sa taba mo" demand ni Maris na hirap na hirap na sa mga bitbit nyang props para sa Prom Night nila na sini-set up na rin nila sa araw na ito.

"Yang si Joshua. Ikaw may kasalanan bakit nag-exist sa buhay ko ang mayabang na yun. Nakakita tuloy ng chance yung mga mangkukulam na yun kay Nico hmmpffff" kinuha ni Loisa ang ilan sa mga props mula kay Maris.

"Ay pechay!" nasambit ni Loisa ng malaglag ang bag nya at kumalat ang ilan sa mga gamit nya sa floor.

"Ako na, ako na! Dalhin mo na lang yang mga yan sa Hall. Susunod ako sayo." utos ni Maris kay Loisa habang pinupulot niya ang bag at mga gamit ni Loisa.

--------------

Loisa's POV

Whoah! Whoah! As in whoaw!

Nagulat ako pagpasok ko sa Hall ng school namin kung saan gaganapin ang prom. Hindi makapaniwala ang aking mga mata sa nakikita ko.

Ang galing ng Prom committee this year in fairness. Last year was just a common JS Prom kung saan naka-dress up ang guys & girls ng semi-formal.

"Nagustuhan mo?" biglang pumasok si Maris sa loob ng Hall bitbit ang iilang piraso ng props at ang bag ko.

"Grabe Maris ang ganda! Super grabe! Excited na ko sa Friday!"

"Hindi mo ba chineck ang bulletin board? Naka-post na kaya yan. Ano ka ba namang babae ka. If hindi ka pala pumasok dito, hindi mo malalaman ang theme ng prom this year? Jusmio Loisa if ever pala baka ikaw lang ang outcast sa prom. O!" sermon ni Maris habang inaabot sakin ang bag ko. Nag-umpisa na rin sya sa pagse-set up. Dumating na rin ang mga kasamahan nya sa prom committee at isa-isa na rin sila nag-decorate.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon