Everyone was in awe, jaws were dropping as the walls and roof of the dome opened wide.
Madilim na ang paligid, kalmado ang hangin. Wala na rin ang mga kalalakihang kanina lamang ay nanonood at nagpapalakpakan sa mga bagong panauhin ng isla.
Maraming mga puno sa paligid, para nga silang nasa isang jungle sa isla. Tulad nila tila masaya rin ang mga bituin sa langit dahil sa kinang ng mga ito. Bilog na bilog din ang buwan.
Sa pagbukas din ng dome, may isang malaking bahay ang nakapuwesto sa harap nito. Nag-iisa at walang iba pang mga bahay. Maliwanag ang paligid ng bahay na ito dahil sa mga bukas na ilaw.
"WOOOAAHHHH!!!!"
Sabay-sabay na hiyaw ng mga panauhin.
"Oh Man! Diyan tayo titira?!" Excited na tanong ni Fourth.
"Wohow! Wohow!!! Sabi na nga ba this is going to be the best summer ever!!!" naglululundag na sigaw ni Fifth.
YEHEEEYYYY!!!!
Sabay-sabay ulit na sigaw nang lahat...well except one person.
One person na kanina pa nagmamatyag ang mga mata sa kinaroroonan ni Loisa.
"Bakit nandito ka? At kuya mo yan? Wala ka namang kuya di ba?" pabulong na tanong ni Joshua kay Loisa habang nagsisigawan ang iba habang naglalakad papunta sa bahay.
"Pakelam mo ba? Close ba tayo? Kilala ba kita?" pagtataray ni Loisa sabay irap at lumipat sa tabi ni Daniel na katabi naman ni Manolo.
Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua. He wanted to talk to her badly, he wanted to explain to her the reason why he is here, he wanted her to understand why he is with Jane, and most of all, why he wanted her out of this mess.
Mula nang una niyang makita si Loisa sa Tall Guy Short Girl booth nila noong Thanksgiving Day nila sa school, right that moment alam na niya that this girl is special and will be special to him. At tama nga siya, SHE IS SPECIAL TO HIM.
Nasa harapan na silang lahat ng bahay subalit nang bubuksan na ni John ang pintuan ay naka-lock ito. They looked around, underneath the rug, in between the bushes but the key was nowhere to be found.
"Guys! Guys!" Sigaw ni Jacob to get everyone's attention. He was holding a red envelope na nakuha niya sa ilalim ng rug.
"Ano yan?" tanong ni Aina
Nagkibit-balikat si Jacob.
"Do we have to open it na ba?" tanong ni Jacob.
"Yeah, baka nandyan ang susi ng bahay" sagot ni Axel.
Jacob opened the red envelope and read the statement;
"Congratulations sa inyo mga future members ng Alpha Beta Sigma at welcome din sa mga bisitang kasama ninyo. Ang bahay na ito ang magsisilbing tahanan ninyo sa loob ng ilang linggo. Inyo sana itong respetuhin at alagaan na parang sarili ninyong tahanan. Bilang simula ng inyong panibagong hamon, kailangan ninyong mahanap ang susi ng bahay. At yan ay magsisimula...ngayon na! ".
"What?! We still have to search for the key just to get inside this house?!" naiiritang tanong ni Aina sabay turo sa bahay.
Daniel: How about ano guys, let us just go ahead and find the key para makepasok na tayo inside. I know we are all tired na due to the long day, pero it is a task kaya let's go na.
Vickie: Oo hanapin na lang natin ang susi para makapasok na tayo.
Aina: Babe, you didn't tell me na it's not going to be easy. Saan natin hahanapin yung susi?
BINABASA MO ANG
Short Girl and a Tall Guy
Teen FictionSabi nila, one of the best equations ever made is short girl + tall guy = cute. Sabi ko naman.. "not true, tall guys ignore me". - Loisa Sabi nila, tall guys find short girls attractive. Sabi ko naman.. "not my cup of tea". - Joshua ----------- Disc...