Chapter 17

653 22 3
                                    

Joshua's POV

Whew! Mula Batangas nakapiring kaming dalawa nina Fourth at may suot din kaming earphones habang nakikinig sa isang classic music. Yung mga tipong kapanahunan ni Beethoven. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang itim na van na sumundo sa aming dalawa kaninang madaling araw.

Although I couldn't see nor hear, nararamdaman ko naman na hindi lang kaming dalawa ni Fourth ang laman ng van. Siguro kasama din namin ang ibang nag-sign up sa brotherhood.

Habang bumibyahe, maraming naglalaro sa isipan ko -------------

This summer.

This fraternity Alpha Beta Sigma

Its leader -- si Kuya.

His plans. His motives. His moves.

Then, my mission. My plans. My future.

If there is something na kampante ako, that is the thought na malayo sa mga issues na ito si Loisa. Knowing that she is safe, then I feel a lot better.

Hindi ko alam kung ilang oras kami sa biyahe, basta ang alam ko ay never tumigil sa pagtakbo ang van. No stop over, no rest, no traffic.

After few hours of encountering humps and bumps namalayan ko na lang na huminto ang sasakyan. Then we rode a boat. Not sure kung anong klaseng bangka.

After few minutes. The music I was listening to went off.

"Huwag muna ninyong tatanggalin ang piring sa mga mata ninyo. Isa-isa kayong bababa at aalalayan kayo ng ibang officers" narinig kong sabi ng isang lalaki na may malalim na boses. "Maliwanag ba?" tanong niya.

"Yes sir!" sabay-sabay naming sagot ng mga kasama ko sa boat.

-------------

Isa-isa nga kaming bumaba ng bangka. May isang officer na nakaalalay sa akin dahil hindi nga pinatanggal sa amin ang blindfold. Mabagal at maingat kaming naglakad patungo sa paroroonan namin.

"Maaari na ninyong tanggalin ang blindfolds sa inyong mga mata. Sabay-sabay! In three, two, one!!!" sigaw ng officer na may malalim na boses.

Pagkatanggal namin ng blindfold sa mga mata namin, bumungad sa amin ang isang crowd ng kalalakihan na nakaupo at nanonood sa amin. I looked around, we are standing sa isang malaking stage. May mga fake trees at stuff toys na monkeys. Parang jungle. May malakas na music na pinatugtog bilang pag-welcome sa amin. At dahil nasa loob kami ng isang dome ay yumayanig ito sa lakas.

Ang audience na nasa harapan namin ay ibang officers, pioneers at mga dating members ng Alpha Beta Sigma. They are young pero masasabi mong successful na sila. They are wearing their uniform base sa katungkulan nila ngayon sa lipunan.

May mga nakasuot na pang-sundalo, doktor, lawyer, seaman, professor, public official, chef, at kung ano-ano pa na siyang pinapangarap marating ng bawat isa sa aming mga sumali sa fraternity.

Unti-unting humina ang volume ng music hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

"MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT" bati ng boses na nanggagaling sa kung saan.

"Magandang gabi, Kuya" sabay-sabay na sagot ng audience.

"AKO AY NAGAGALAK SA INYONG PAGDATING AT PAGPAPAUNLAK SA AKING IMBITASYON. NAIS KONG IPAKILALA SA INYO ANG MGA KALALAKIHANG NAIS MAGING OPISYAL NA MIYEMBRO NG ATING MAGANDANG SAMAHAN. ATIN SILANG SABAY-SABAY NA PALAKPAKAN!"

Nagtayuan ang lahat ng audience at nagpalakpakan. Ang mga officials na nasa tabi namin kanina ay nagsibabaan at sumama sa pagpalakpak sa audience.

Matagal na palakpakan.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon