Chapter 7

682 22 0
                                    

Joshua's POV

Itong si Kiray hindi talaga ako tinatantanan ng babaeng punso na ito. Tuwing makikita nya ako sa school biglang nagiging malaking playground ito. Tumatakbo ako palayo sa kanya habang sya naman habol ng habol sa akin. Halos lahat yata ng facilities napasukan ko na rin upang gawing taguan.

Gaya ngayon, halos maubusan ako ng hininga kakatakbo at kasalukuyang nagtatago sa ilalim ng isa sa mga tables sa laboratory room. Buti na lang walang tao at wala rin ang laboratory personnel.

"Hey dude, what are you doing down there?" muntik na yata akong atakihin sa puso dahil sa taong dumungaw sa ilalim ng mesa. Nakasuot sya ng malaking eyeglasses at puting lab gown. Oo mukha syang nerd.

In all fairness naman sa kanya, kahit sobrang liit ng mga mata nya, nakita pa rin nya ako.

"Hi there! May nakita ka bang lalaking matangkad? Baka kasi pumasok sya here eh" hala! Boses yun ng babaeng punso!

Nilagay ko ang hintuturo ko sa lips ko, as if telling him to hush and don't snitch. Which I believe ay na-gets naman niya agad.

"Nakhu daga ka, why are you so makhulet, where are you na?" sabi niya habang kunyari ay may inaabot sa ilalim ng lamesa kung saan ako nagtatago.

"Oh Im sorry, did you ask me something? Im looking kasi for the rat na nakawala. You know how makulet they are" biglang tanong nya kay Kiray na nasa may pintuan ng lab room.

"Tinatanong ko lang if may nakita kang matangkad na lalaki na pumasok dito"

"Op op op! Stay out of this room. You are not allowed to enter if wala kang appointment here" biglang pigil niya kay Kiray who was about to step in.

"So ano nga? May nakita ka ba?" iritadong tanong ni Kiray.

"Wala. As far as I can see, ako lang matangkad dito. No one else" pa-sarcastic nyang sagot. I just realized na tunog alta ang taong ito.

Katahimikan.

Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi marinig ang paghingal ko.

"Fine! Good luck on your rat-searching! Sa liit ng mga mata mo baka after 10 years mo pa makita ang daga mo" sigaw ni Kiray at narinig ko ang footsteps nya palayo sa laboratory room.

"You too! Good luck sa prince charming -searching mo! Baka lola ka na hindi mo pa rin sya mahanap!" Natatawa nyang sigaw sa babaeng punso.

"Dude, she ain't here na. Labas ka na dyan" sabi nya after ilang minuto. Whew! Bigla akong nakahinga ng maluwag.

"Thank you, bro." Pinagpag ko ang damit ko then shook his hand. "Im Joshua nga pala. Joshua Garcia".

"Nolo. Manolo Pedrosa" pakilala nya sa akin. "Dude, ang hirap ng nasa shoes mo especially pag ganun ang ex mo" sabi niya habang inaayos ang cage ng puting daga.

"Correction. Hindi ko sya ex. At lalong hindi ko sya girlfriend" seryosong sagot ko habang inaayos ang bag ko. Nag-decide na rin akong lumabas ng lab room.

"Oh by the way, this room is always open for you to hide" offer ni Manolo. Nakatalikod na ko sa kanya at naglalakad palabas. I just waved my right hand without looking back at him.

Hindi naman sa ayaw ko kay Manolo, mukha naman syang mabuting tao kasi kung tarantado sya malamang nasa mga maliliit na galamay na ako ni Kiray sa mga oras na ito.

Yun nga lang, hindi lang talaga ako malapit sa mga nerds. Mas okay ako sa mga taong cool at swabe. Tchk!

I was walking coolly nang marinig kong sunod-sunod ang pag-beep ng phone ko. Tunog yun na may text messages akong na-received.

Message 1: Sa darating na Biyernes alas-siyete ng gabi, isang araw mula ngayon, kayo ay malugod na inaanyayahan ng Alpha Beta Sigma Officials para sa isang maliit subalit mahalagang pagtitipon. Kayong lahat ay inaasahang makarating sa salo-salong ito. - ABS Officials

Ha? Para saan kaya ang pagtitipon? May bagong rule na naman kaya? Kailangan kong mapasali sa brotherhood na ito. I will do all my best to be in, no matter what it takes.

Message 2: Josh, mark the calendar. Friday 7 pm may ABS gathering tayo. Save that date. - Fourth

I know Fourth wants this badly. Hindi ko sya bibiguin. Malaking tulong din ito sa pinsan ko at susuportahan ko sya. Too bad Fifth decided to sign up with a different organization. Sana kaming tatlo ang sama-samang lumalaban ngayon para sa mga pangarap namin.

Message 3: Joshua, Loisa to. Kinuha ko kay Maris ang number mo. Bakit? Masama? Boyfriend kita di ba?

Bigla akong natawa ng malakas kasi naalala ko yung eksena nang manood kami ng sine. Muntik na sya magkaroon ng loveteam in the person of that fat boy hahaha.

Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang red envelope.

Just do what you gotta do, Joshua.

Paalala ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon