Chapter 5

1K 21 0
                                    

Joshua's POV

It has been two days since I agreed upon seeing Loisa sa peryaan.

Mautak talaga yung kaibigan niyang si Maris. I wasn't going to give her my cellphone number that day when we had an annual thanksgiving sa school namin pero for some reason,  she found out  na pinagtataguan ko si Kiray kaya she threatened me na she will tell Kiray kung nasaan ako.

I had no choice but to give my number. After that, she kept bothering me na. Even asking me to see her sa peryaan and if I don't show up ay sasabihin nya kay Kiray na may feelings ako for Kiray. Yuck!!! I had no idea kung bakit niya gusto makipagkita sa peryaan.

So I agreed to meet her sa peryaan  only to discover na set up lang pala..just to save her  pathetic best friend Loisa na hopeless romantic dun sa best friend niyang si Nico. Kung pagsabihan pa ako ng feelingero ng babaeng yun napakainam, eh feeling naman niya kasing-tangkad nya yung mga kandidata sa Ms. Universe.

Feeler! Bansot na nga puro pa pisnge!

Kung maka-react pa sa six months contract akala mong napakalaking tinik sa lalamunan niya, hello ang bigat kaya sa akin non! Insulto sa pagkalalaki ko yun. Ano ba tong pinasok ko?!

So I called Maris up. Nagri-ring lang ang phone nya, buti na lang may voicemail.

"The show is over. Tinatapos ko na ang kontrata. Good luck sa inyo ng best friend mo" ang message na iniwan ko sa voicemail ni Maris.

"May pa-man of my word ka pang nalalaman dyan hindi mo naman pala kayang panindigan" sabi ni Fourth na syang napagkuwentuhan ko tungkol sa mga pangyayari sa akin. Between him and Fifth, mas palagay ang loob ko na magkuwento sa kanya tungkol sa mga ganyang bagay.

Magkasama kami ngayon sa black room. Ito ang headquarter room ng ABS brothers aka Alpha Beta Sigma Brothers, it's a brotherhood, a fraternity that was established few years ago in Star Magic University kaya bago pa lang ito. The founder is still unknown,  everyone here calls him Kuya but nobody has seen him yet in person. His face is a question mark to everybody kahit dun sa mga naka-graduate na.

At kung bakit kami nandito ni Fourth?

We decided to sign up dahil sa mga benefits na makukuha namin. We heard na maraming connections ang fraternity na ito sa labas to help you find a career once na makatapos ka ng college. They value education as much as they value the members. They also provide scholarship and various perks. Sabi nila masaya rin dito dahil maraming activities. Yan ang naririnig ko. Kung gaano katotoo? We will find out once we are part of the brotherhood na.

"Hindi yun ang point, Fourth" sagot ko kay Fourth.

"Ano pala ang point? Ang iwan sa ere yung tao?"

"Pinsan ba kita o ano?" medyo naiinis kong tanong. Pakiramdam ko kinakampihan pa niya ang mga babaeng yun.

"Don lang tayo sa tama. Magpakalalaki ka kasi Joshua"

"Tama? Eh di ba panloloko yung magkunwari na magboyfriend kayo para lang pagselosin yung taong gusto mo?" pangangatwiran ko kay Fourth. "And what do you mean magpakalalaki? Nagpapakalalaki ako" dagdag ko pa.

Tumahimik si Fourth. He just gave me that look na alam na alam ko na ang ibig sabihin.

"Yan na naman ba? Tapos na yung sa amin. I admit, I made a mistake at pinagbayaran ko na yun. I cried blood dahil sa kanya. Let us close that issue" paliwanag ko kay Fourth. Napatahimik si Fourth.

" Magandang gabi sa inyong lahat. Aming ikinagagalak ang inyong pagdating sa ating espesyal na pagtitipon. Hayaan ninyong aking basahin ang sulat ni Kuya" simula ng isa sa mga officials ng Alpha Beta Sigma. "Sa kabila ng aming kagustuhan na kayo ay aming bukas palad na tanggapin sa samahan, may mga proseso pa kayong kailangang pagdaanan at pagtagumpayan upang kayo ay maging opisyal na mga miyembro"

Short Girl and a Tall GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon