Chapter 6: Happiness

144 12 11
                                    

☀️

Trixie's POV

"Fred?!"
Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan akong makita itong nakayakap kay Jackie.

"Uy Trixie! Ano ginagawa mo dito?"

"Nako Jackie dapat nga ako ang nagtatanong sayo yan eh. Dapat nagpapahinga ka diba."

"Nako walang problema nandito naman si mommy"

"Kahit pa"

"Ikaw ba Trixie ano ginagawa mo dito?"
Tanong ng Sheena

"Nag usap na kasi kami ni Fred kagabi na pupuntahan ko siya ngayon dito."

"Pasensya na Trixie hindi ko nasabi na pupunta si Jackie dito."

"Bakit ka nag papasensya eh hindi mo naman girlfriend yan?"

"Sheena stop!" Pagsaway ni Jackie

"Nako sorry Trixie hindi ko kasi alam na magkikita kayo ni Fred. We will just give you two some time then...hintayin ka na lang namin?"

"Sige palangga susunod ako"

Pag alis nila...

"Seryoso ka kahit hindi ka niya naaalala palangga pa rin ang tawag mo dito?"

"I have some good news Trix! Pumayag na si Jackie na ipagpatuloy yung anong nasimulan namin. I guess she knows and accepted the fact that she is my girlfriend"

"Sayo lang good news yan Fred. Oh ok naman pala eh akala ko mawawasak na yang puso mo. Aalis na lang ako."

"Sandali Trixie" hinawakan niya ang braso ko

"Salamat kahapon ha..at salamat dahil nandito ka para sakin. Pero baka kailangan ka na doon sa Cebu." Dagdag niya

"Fred, if I want to stay here, I will stay here kahit ilang days, months, or years pa yan."

"Grabe naman to. Dito ka na lang kaya mag aral?"

"Thanks for the suggestion Fred pero ayoko munang mag aral. I'm enjoying life naman eh."

"Trixie...bumalik ka na lang kaya ng Cebu?"

"Bakit? Eh nandito ka."

"Trixie? Let's make everything clear ok? I love Jackie. And may chance na magkakabalikan kami kahit hindi pa ok ang memory niya. So please hayaan mo na ako maging masaya."

I looked at him deeply in his eyes.

"Sure ka ba na masaya ka? Baka naaawa ka lang kay Jackie"

"Trixie can't you see? Saksi ka sa Boracay. Saksi ka since nung aksidente hanggang ngayon na hindi ko siya iniwan...mahal ko siya. Better save yourself Trix. Ayaw kitang saktan kaya ako na magsasabi sayo ngayon na please, hayaan mo na ako."

"Yun lang ba ang hiling mo sa akin? Aalis ako? What if umiba na naman ang ihip ng hangin at babalik yung mga times na hindi ka niya papansinin?"

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now