Chapter 3: Stings

115 13 5
                                    

☀️

Fred's POV

"Parang I remember her somewhere but I can't really tell pa..." Sabi ni Jackie

"Ta-talaga?"

"Yes Trixie sana maalala ko na kayo ni Fred."

Tahimik lang si Trixie pero parang hindi ko gets bakit na parang nagugulat at kabado yung mukha niya.

"By the way Trixie why are you here?"
Tanong ni Kelly

"Ah kasi para naman may kausap si Fred dito yung kilala niya na...para di siya ma home sick."

"Ah kelangan pa ba yun? Eh may girlfriend naman sya dito"

"Sheena yung bibig mo konting preno naman" sabi ni Kelly

"Eh hindi pa nga nito naaalala diba? I'm just here to comfort Fred that's all." Inakbayan niya ako.

"Uhm Trixie...kita na lang tayo bukas...uuwi na rin kasi kami."

"Ah ganun ba? Sigurado ka Fred ok ka lang ba today?"

"Oo."

"Sige tawagan kita bukas ha!"

"Sige na sige na. bye!"

"Bye Trixie see you next time!"
Sabi naman ni Jackie

Pagkatalikod ko ng wheel chair ni Jackie agad naman nagsalita si Sheena

"Hoy wag ka ngang maging mabait dun gusto niya si Fred -yung boyfriend mo ipapa alala ko lang.  Gigil ka pa nga nung nasa Boracay kayo diba."

"Hindi nga matandaan! Sheena pa ulit ulit ka eh" inis na sabi ni Kelly

"Totoo? Nagselos siya?" Tanong ko sa kanila

"Oo kaya"

That made me smile. Lalo na nung nalaman kong kinu kwento niya ako sa kanila every night.

"Ah nandun din siya? Paano?"
Tanong ni Jackie

"Nag bakasyon din sila ng iba ko pang mga kaklase palangga pero mas nauna tayo doon"

"Ah..ok.."

-----------

"Fred magkita tayo bukas please?
Usap tayo?"
Tanggap ko na message galing kay Trixie.


Jackie's POV

Nung umalis na sina Sheena at Kelly sa bahay inantok naman ako bigla. Humikab ako at nakitang naka tingin si Fred sa akin.

"Gusto mo na bang magpahinga?"
Tanong ni Fred

"Oo sana eh"

"Sige halika buhatin na kita"

Grabe ganito ba talaga siya ka maalagain? Medyo nahihiya pa ako sa kanya. Siya na lang mismo naglagay ng mga kamay ko sa leeg niya. Hindi ko siya matingnan ng diretso pero nakangiti lang ito hanggang nakarating na kami sa kwarto ko.

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now