Chapter 18: Obscure

137 12 6
                                    

☀️

Fred's POV

After naming maligo, tumambay muna kami ng isang oras sa shore bago bumalik sa mga kwarto namin. Tuwalya lang panaplot namin. Pinulupot ko talaga yung tuwalya sa buong katawan ni Jackie. Andaming nakatingin sa kanya eh. Kaso hindi ako maka pag tapang-tapangan dahil ang lalaki at ang tataas ng mga Amerikanong to eh. At least, this is the only way I could protect her. She is only mine.

Pag bukas namin ng room nagulat kami na may naka lagay na regalo sa mesa. Nakangiti akong makita iyon pero nagkasalubong ang mga kilay ni Jackie sa pagtataka.

"What's this? Is this your pahabol gift palangga?" I asked

"Hoy binigay ko na yung bataan ko palangga ha! Sagad na yun!...tsaka wala talaga ako maisip na ibigay kasi sayo eh."

"Hahaha palangga talaga oh. Sobrang sapat na yun. Eh kanino galing to?"

"Aba'y ewan ko. Edi buksan mo"

"To Fred...ok for me talaga siya"

Pag bukas ko ng regalo may mga litrato na stills from the accident sa cctv shots. Yung pagtulak ni Trixie, at pag bangga mismo ng sasakyan kay Jackie... yung nakahandusay siya na duguan. Nawala ang mga ngiti ko. Napuno ako ng galit. Ito talaga yung ipapa alala sa akin?!

"Kanino ba to galing?! Tangina! Dapat kasi nagsasabi ang housekeeping eh. Wag sana sila nag papasok ng mga kung anu ano dito!"

"Palangga...sshhh kalma ka lang."

"Nananadya talaga tong Trixie na to eh!"

I crumpled the photos with my hands and tinapon ito. Ano ba tong problema niya?

"Tingin ko hindi talaga siya matatahimik kung hindi ka niya makukuha palangga"
Pabirong sabi ni Jackie

"Ay edi bahala siya. I am oy yours and she will try harder next time to get me"

"She is already trying harder this time, Fred. Can't you see?"

Natahimik naman ako sandali ng sinabi ni Jackie yun. Oo nga. Nangyayari na naman. Kahit anong deny ko...guguluhin at guguluhin talaga kami ni Trixie.

Bigla na lang tumunog ang phone ko.

"Si dad. Hello dad?"

"Fred, nandito si Trixie sa kulungan. I can see her with my own naked eyes."

"Sigurado ka dad? Facetime dad please?"

"Ok saglit...oh anak...ayan siya oh."

"Shocks palangga...naka kulong pa rin siya" sambit ni Jackie

"Eh dad may number na tumawag sa akin kanina... ka boses din ni Jackie yun ...tsaka pinadalan niya kami ng litrato dito mismo sa hotel room namin nung tinulak niya si Jackie sa Cebu. Pwede ba pa imbestigahan niyo diyan dad kung sino tinatawagan niya?"

"What?! Jusko ang laki ng tililing ng Trixie na to  talaga kung ganyan. Sige anak ako na ang bahala dito update ko lang kayo"

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now