Chapter 21: Test

158 14 12
                                    

☀️

Fred's POV

Pumasok ako as usual sa kwarto ni Jackie to check on her. Ayun gising pa siya.

"Oh bakit parang pula yang nga mata mo? Hala umiyak ka ba?"

"Hmm...nag usap kami ni mommy...sinabi ko na may nangyari sa ating dalawa"

Lumaki ang mga mata ko.

"Hala Jackie nakakahiya. Sana sinabihan mo man lang ako para sabay tayo nagsabi."

"Sorry palangga ha...I felt uneasy kasi na hindi alam ni mommy. Never pa kasi akong nagsinungaling sa kanya. At never pa akong may tinago sa kanya. Sorry."

"Hala nahihiya talaga ako eh"

"Eh bakit hindi lang naman ikaw diba...dalawa tayo at ginusto naman natin parehas yung nangyari. Alam mo ba palangga hindi ako pinagalitan ni mommy"

"Anong sabi niya?"

"Na kahit anong mangyari mahal niya ako kasi anak niya ako. Oh hindi ka ba maiiyak dun"

"Aww kaya naman pala eh. Nako halika nga dito pa yakap nga! Paano yan mukhang hindi ko na kayang harapin si tita Jocy haha"

"Its ok. She understands. Wag na lang muna kay daddy. Ibang storya na yon eh"

"Sige tahan na. Matulog ka na ok?"

"Dito ka ba matutulog?"

"Gusto mo ba?"

Tumango naman ito at binigyan ako ng isang simpleng ngiti.

"Ok edi dito"

Tinabihan ko naman ito at kinantahan. Ilang minuto pa ay nakatulog na ito.

----------

A week later...Saturday came and its time to visit Cebu before school begins. Shocks ang bilis lang. Third year college students na kami ni Jackie sa June. Excited na ako sa Paris namin ni Jackie after maka graduate.

Nag eempake na ako ng mga gamit ko.

"Jackie? Jackie palangga ready ka na ba diyan?"

Di ito sumasagot. Nagtaka ako kaya pumunta ako sa kwarto niya. Nakahiga ito and she does not look good.

"Palangga...eh biglang sumama yung pakiramdam ko eh. Hindi na lang siguro ako sasama. Sayang gusto ko pa naman sana makita si baby Klea. Facetime na lang ah?" Mahina niyang sabi

"Aww sigurado ka?"

"Oo hindi ko ata kaya"

"Ok sige importante magpahinga ka ha. Uminom ka na ba ng gamot? Masakit ba ulo mo?"

"Medyo...tas parang nanghihina ako eh"

"Baka kailangan mo lang talaga magpahinga palangga. Kumain ka na ba?"

"Oo marami na nga kinain ko kanina diba"

"Ipahinga mo na lang yan palangga. Sige facetime na lang tayo ah?"

Hinalikan ko ang ulo nito.

"Fred naghihintay na si uncle Joey niyo sa baba."

"Oh pano ba yan. Alis na ako. Alagaan mo sarili mo ah? Love you!"

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now