Chapter 7: Dreams

148 14 4
                                    

☀️

Fred's POV

"Jackie? May sasabihin ako sayo bukas ah? Sleep tight. I love you palangga."

Message Sent.

-------

Pagkatapos kong maligo pinuntahan ko agad si Jackie sa kwarto niya.

"Good morning palangga!"

"Good morning! O ano yung sasabihin mo?" Sabi niya habang kinakamot yung mga mata nito

Hinalikan ko naman ito sa ulo at tinabihan.

"Ang ganda naman kahit bagong gising"

"Hmm bolero! Ano na ba yun?"

"Ganito kasi...uuwi ako bukas sa Cebu palangga..."

"Ha? Eh paano yung pag-aaral mo dito?"

"Hindi .ilang araw lang. Kailangan ko kasi tulungan sina daddy sa kumpanya may emergency eh. Tsaka si ate din..kailangan niya ata ako doon."

"Oh ok ka lang?
Wag ka magpaka stress doon ha?"

Nginitian ko lang siya.

"Alam mo bang kinantahan mo ako once nung nalaman mong na stress ako?"

"Luh. di nga?"

"Oo nagulat nga ako eh. Di ko makakalimutan yung kanta na yun. Di man tayo magkasama alam kong I am never alone."

"Kahit di ko naaalala nag wo worry na ako ngayon...good sign na ba to?"

"Syempre. kinilig ako dun ah"

"Haha. Mag-iingat ka ha?"

"Of course babalikan pa kita dito eh"

"Fred?"

"Hmm?"

"Salamat."

"Saan?"

"Sa pagmamahal mo"

"Ako nga ang dapat magpasalamat eh. Hindi pa nga bumabalik yung alaala mo pinili mong magtiwala at mahalin ako ulit. Salamat, Jackie."

"Alam mo sa totoo lang..."

Tiningnan niya ako na parang naluluha.

"Oh ok ka lang?"

"Lagi kasi...kita napapanaginipan."

"Huh? Totoo?"

"Oo hindi ko alam bakit...pero lagi kita napapanaginipan. Tapos may mga ilang panaginip na magkasama tayo pero hindi ko talaga matandaan. Pero sabi ng puso ko....mahal daw kita. Kaya doon ako nagtitiwala - sa kung ano ang sabi ng puso ko. Kasi kailanman...hindi naman naging mali ang mag mahal diba?

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now