Chapter 22: Life

155 15 11
                                    

☀️

Fred's POV

"Ay Fred sandali ah tawagan ka na lang namin mamaya. Bye bye!"

Yun lang yung sabi ni Sheena at nawala na agad ang tawag.

Hindi ko pa rin maintindihan yung two lines. Mabuti nandoon ang mga kaibigan niya. Sana ok lang si Jackie doon.

-------------

"Bakit ka nandito? Hindi niyo na ako tinantanan! Nakakulong na nga ako diba?!" Galit na galit na sabi ni Trixie

"Ikaw yung ayaw tumantan Trixie! Nasa Amerika na nga kami nakahanap ka pa talaga ng paraan para gambalain kami ni Jackie?! Ano ba problema mo?! Galit ka dahil hindi umubra yung plano mo?!"

"Ikaw yung problema ko! Kung hindi ka mapapa sa akin mamatay ka na lang! Mamatay na kayo ni Jackie!"

"Baliw ka na ba?!"

"Oo! Matagal na! Bahala kayo sa buhay niyo! Makakalabas din ako dito at pag nakalabas na ako humanda ka na Fred dahil hindi ka na makakabalik kay Jackie!"

"Ang lakas din talaga ng amats mo no?! Yan ang sisiguraduhin kong hindi mangyayari, Trixie! Hinding hindi ka na makakalabas dito!"

Galit na galit ako nung lumbas na ako ng presinto. Bago ako umuwi, I talked to the chief police at kinamusta yung kaso. Teby made sure naman na dito na habang buhay si Trixie. At weekly, may mental check up din ito. Sinabi ko talaga na higpitan ang pagbabantay nila dito. Hindi biro yung dinanas namin ni Jackie sa mga nangyari.

Noong umuwi na ako nag facetime ulit kami ni Jackie and I updated her about Trixie. Medyo gumaan na yung pakiramdam niya. Naka alis na rin daw sina Sheena and Kelly. Hindi niya ako pinapansin kasi si Klea yung hanap niya. Nagtagal din yung pag uusap nila ni ate Faye. Matagal pa nga naibalik ni ate yung phone ko. 

Pero bago matulog tumawag ako ulit dito.

"Palangga? Ok ka na ha?"

"Oo ok na."

"Bat ka ba nagsuka may nakain ka bang masama?"

"Hmmm wala naman"

"Usual ba yan palangga?"

"Hmm hindi eh"

"Jackie mag pa check up ka na kaya? Nag wo-worry na ako baka kung ano yan."

Natahimik ito at bumangon sa pagkakahiga niya.

"Uy! Palangga?"

"Gusto mo ba malaman ngayon? O pagbalik mo na lang dito?"

"Ha? Malaman ang ano?"

Kinabahan na ako bigla. Ano ba to? Bakit parang may tinatago si Jackie sa akin? May pa suspense pa. May sakit ba ito? Masyado na siyang maraming pinag daan. Hindi ko ata kakayanin pag meron. Naaawa na ako sa palangga ko.

"Mag-usap na lang tayo kapag nandito ka na. Baka kasi...hindi mo kayanin or mag alala ka na naman eh"

Oh shit. Baka tama ang kutob ko? Pero bakit naman ganito. Alam kong mali ang mag hiling ng masama sa iba pero bakit hindi na lang si Trixie? Jusko.

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now