Chapter 23: Journey

147 14 9
                                    

☀️

Fred's POV

Nagulat talaga ako na alam na ni Tita Jocy. Iba pa rin talaga ang maternal instincts. Hiyang hiya ako. Pero nandito na eh. Kailangan kong harapin to.

"Yes mommy you are the most beautiful lola!" Sabi naman ni Jamie sa kanya.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit kay tita Jocy.

"Tita...humihingi po ako ng tawad. Pero alam niyo naman po kung gaano ko kamahal yung anak ninyo. Hinding hindi ko po siya iiwan. Tsaka susuportahan ko po siya higit sa makakakaya ko. Pasensya po kung nauna to bago kami gumraduate. Sorry po talaga tita. Pangako ko po I will be a good partner to her and a good father sa magiging anak namin"

Nanginginig na yung lalamunan ko. Pero mas nagulat ako nung lumapit ito at niyakap ako.

"Alam ko naman na mahal mo si Jackie eh. Alam na alam ko yun. I am not mad I am just disappointed kasi hindi pa ito yung tamang panahon. Pero siguro... baka binigay di  sa inyo ito dahil may dahilan ang Diyos. Nandito na tayo. Ok? Gagawin na lang natin kung anong makabubuti sa inyo at sa magiging anak niyo."

"Tita...salamat po" naiiyak kong sabi at niyakap ko siya

"Bakit tita pa? Mommy mo na ako no"

"Hehe salamat po mommy Jocy"

Tumayo naman si Jackie na naluluha at niyakap kami.

"Why is everybody crying and hugging?" Sabi ni Jamie. Natawa naman kami

"Come here baby" ika ni Jackie.

Kinuha ni Jackie yung kamay ni Jamie at nilagay ito sa tiyan niya.

"Jamie, you will have a pamangkin.
A baby in nine months time"

"There's a baby inside your tummy, ate?"

"Yes"

"Can she be my best friend?"

"Of course! And little sister too!"

Hinalikan naman ni Jamie ang tyan niya.

"I love you baby!"

Lalo tuloy umiyak si Jackie.

---------------

Nagpa check up na kami. Two weeks pregnant na si Jackie. Ang bilis. Made in Miami talaga si baby haha.

Yung pinakatatakot ko is si tito Jo. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya. I am expecting ng sigaw at bugbog. Ok lang deserve ko naman siguro yun. Bahala na. Actually, bago ako lumipad pabalik dito kaninang umaga, nag usap kami ni ate Faye...siya na lang muna daw kakausap ka mommy at daddy dahil tulog pa ang mga ito. But I left a letter na rin para sa kanila.

As usual hawak kamay lang kami ni Jackie sa loob ng sasakyan. Sinandal niya ang ulo niya sa akin habang naka kandong naman si Jamie sa akin.

This time, hindi lang siya ang mamahalin ko. Hindi lang siya ang hahawakan ko. Yung buhay na nasa loob ng sinapupunan niya... ito ang magiging dahilan para maipakita ko yung sobrang pagmamahal na hindi ko pa ata naipakita. Hahawakan ko siya ng buong puso ko...ng may pagmamahal dahil siya na ang magiging mundo ko...namin ni Jackie.

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now