Chapter 20: Home

136 11 5
                                    

☀️

Jackie's POV

Nung bumalik na kami sa hotel room namin, hindi pa rin mapakali tong isip ko sa nangyari. Hindi ko maipag tagpi tagpi. Kaya minabuti kong kausapin si Fred.

"Palangga?"

"Hmm?"

"Diba sabi mo...nung tumawag yung Tanya na yun sayo...nung tinanong mo na what does she want diba ang sagot niya is "you"? Naalala mo?"

"Oo..bakit?

"Eh tapos kanina nung nag uusap tayo, step sister daw siya pero hindi niya naman sinabi na dad or tatay niya si tito Greg. Eh mismong 'Greg' lang ang sabi niya eh. Narinig mo ba yun?"

"Hala oo nga no...pero baka kasi posible rin na sinabihan na siya ni Trixie kung ano ang sasabihin. Diba nga binabayaran siya?"

"Mmm...yes pwede. Pero bakit Greg tawag niya sa tatay niya?"

Nagkatinginan lang kami ni Fred na nagtataka.

"Nako palangga wag mo na munang isipin yan. Ang importante, nahuli na siya, at monitored na yung bawat galaw niya while nandito pa tayo. Ok? Don't stress out."

"Ok..."

Huling dalawang araw na lang uuwi na kami. Sana naman sa pag uwi namin ok na ang lahat. Wala ng Trixie na gagambala sa amin.

-------------

Natapos ang last two days ng conference ng hindi na namin nakikita si ate Tanya. Mabuti naman at sumunod siya sa usapan.

On the final day we preared our presentations and new strategic plans on our businesses. We were given certificates of attendance and some tokens as a remembrance. Nag group photo rin kami. And yung Polish guy na laging kumakausap sa akin, his name is Waldo... is confirmed na bading. Kasi may boyfriend siya na kasama. Kaya hinayaan na lang ni Fred na makipag kaibigan sa akin ito. Meron din namang ibang mga babae na kumakausap kay Fred pero graduate na ako sa pagiging selosa. I have learned so many lessons along the way lalo na yung kay Mona. And one of that is -trust. I am now giving Fred my utmost trust. And I trust that he will live up to his promises for me...and only me.

Sumabay na rin sa amin sina Ian at Mona  papuntang airport.

"Jackie what is the first thing that you will you do when you arrive home?" Tanong ni Mona

"Probably sleep haha" sagot ko dito

"Nako same! Eh ikaw Fred?"

"What home? Wherever Jackie is,
that is my home"

"Aaaayyyy! grabe naman po. Sana all po."

"Wow tol tamis nun ah! Haha!"
Sabi naman ni Ian

"Korny mo palangga"

"Ganun talaga di ka na nasanay"

"Oo pero mukang palala ka na eh"

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now