Chapter 14: Miami

153 15 1
                                    

☀️

Jackie's POV

Huminga muna ako ng malalim and I looked at my face in the mirror. Marami ang pumapasok sa isip ko. Bakit ba ako nagseselos? I still have these tiny scars on my face from the accident. Nakaka insecure din minsan. What if darating ang araw na ayaw na ni Fred sa akin at sa iba na siya nakatingin? What if sa iba na niya mahanap ang kasiyahan at pagmamahal na hinahanap niya? Hindi ko ata kakayanin yun. Hindi lang talaga ako komportable tingnan kung may ibang kasama o kausap si Fred na babae. I freshened up and combed my hair. And then... ayun pumasok yung Mona.

"Hi Jackie. You okay?"

"Huh? Yeah. Yeah I'm fine"

"Uy grabe alam niyo couple goals talaga kayo ni Fred noh sobrang sikat niyo sa Cebu"

I saw her putting a lip tint.

She is really an eye-catcher. Kahit ako napapatingin sa kanya.

"I'm very blessed to have Fred in my life"
Sagot ko dito

"Very! Grabe I am so glad nalampasan mo lahat yun and he stood there by your side. Hashtag sana all"

"Hmm hehe thanks Mona. Labas na muna ako ah"

"Ay ok sige see you later"

Mabait naman siya. Sobrang layo sa may tililing na Trixie na yun kaso hindi pa rin ako komportable sa kanya.

Pag labas ko ng banyo ay hinila ni Fred yung kamay ko.

"Eee bitawan mo nga ako anuba"

"Ayoko"

"Luh siya. Bitawan mo ako sabi"

"Binitawan na kita once and I didn't like what happened"

Ayun. Natahimik ako. Oh papalag pa ba ako? Literal eh.

"Noon pa man Jackie kahit gusto or ayaw mo ako sa buhay mo hindi ako umalis diba...at hinding hindi ako aalis. Naiintindihan mo ba yun?" Dagdag niya pa

Grabe naman makatingin at maka bitaw ng linya. Di na ako nakapag salita eh. Hinihila niya ako na para ba akong bata.

"Nagugutom ako punta muna tayo sa lounge" sabi niya

Nagulat kami na may mga nakakilala sa amin doon at may ilang nagpa picture din sa amin. Kumain lang nan kami and then umalis na.

---------

Nung boarding na kami, wala akong choice kasi nag uusap talag sila ni Ian kaya nag ku kwento rin yung Mona sa akin. Pero natuwa ako na medyo malayo yung seats namin from them. Haha

Hay finally...13 hours na byahe my gosh ang tagal ano ba gagawin ko aside from reading a book?


Fred's POV

Pag upo namin binuksan niya agad ang librong dala niya.

"Luh basa agad?"

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now