☀️
Jackie's POV
There are times na sobrang grumpy ko. Minsan wala na sa lugar. Naaawa na nga ako sa asawa ko pero grabe lang...ako na talaga ang pinaka maswerte dahil not once itong nag reklamo. Grabe yung pasensya niya tsaka tinitiis niya talaga lahat ng mood swings ko. Minsan rin, di ako nagsasalita buong araw...kain lang ng kain. Pero may times din na sobrang clingy ko kay Fred. Yung ayaw ko na siyang bitawan. Yung gusto ko siyang yakapin buong araw na nakahiga lang kami. Doon naman siya super masaya. Haha Di na nahiya kay baby eh minsan gumagawa talaga ng paraan para lumandi. Ganun talaga daw pag bagong kasal haha
The pregnancy journey is such a roller coaster ride. But ito pala ang feeling ng no regrets. Yung nakikita mo na yung bunga ng isang risk na ginawa niyo. Kailanman hindi matutumbasan ng anong pera ang experience. After this, motherhood na naman ang naghihintay sa akin. And parenthood sa amin ni Fred. Glad I was trained to help raise Jamie at such a young age. May purpose din naman pala yun.
After four more months:
Mahimbing kaming natutulog ni Fred ng biglang pumutok ang waterbag ko. Nagising ako at unti unting bumangon.
"Palangga? Gising. My water broke"
I said as calmly as possible habang tinapik ang pisngi niya but then iba nga naman talaga mag react ang mga lalaki"What?! Broke?! Oh my gosh palangga!" Napa talon ito at tumakbo para kunin yung hospital bag ni baby.
"Huy sandali!
Alalayan mo muna ako dito pwede?""Ha? Ay oo nga pala sorry palangga. Masakit na ba tyan mo?"
"Hindi pa naman"
"Lilinisin ko pa ba to?"
"Wag na. kumalma ka nga dyan! Mag salawal ka muna susko"
"Ay ano ba to sandali"
"Gisingin mo sina mommy at daddy"
"Ok eto na"
Lumabas naman ito habang nagsusuot ng shorts"Huy Fred tapusin mo munang suotin yang shorts mo! Nubayan!"
Bat ganun mas nag pa panic pa siya kesa sa akin. Nakakatawa tingnan. Pagbalik niya kasama niya na sina mommy, daddy at Jamie sa likod niya.
"Lagay mo muna kasi ang bag dyan maliligo muna ako"
"Eh baka makalimutan ko eh. Jackie pumutok na yung waterbag mo pupunta na tayo ng ospital!"
"Isa! Pag di ka kumalma diyan iiwan ka namin dito"
"Jackie naman eh baka mapano si baby"
"Hay mag sho-shower nga saglit lang! Halika samahan mo ko! Baka madulas pa ako"
Tawang tawa naman si mommy at daddy sa amin
"Akin na ang bag Fred! Maghihintay lang ako sa sasakyan sa baba sa inyo" sabi ni daddy
Walang magawa si Fred kundi antayin akong matapos mag shower hanggang sa bumaba na kami at pumasok sa sasakyan. In fairness, kumalma naman siya. Ayaw niyang maiwan. Haha
Pero si dad kinabahan din kasi first time niyang ganito kabilis mag drive.
"Dad? Dahan dahan lang po baka lalabas yung apo niyo ng wala sa oras sige ka ikaw rin"
"Feeling nasa fast and the furious yung daddy mo eh akala niya siguro siya si Vin Diesel"
"Sorry na kinakabahan lang ako"
YOU ARE READING
Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]
FanficTurning eighteen and something happens. Will Fred stay regardless of Jackie's condition? Are they ready for a business trip and expo in Miami for a week being stuck together? And, Fred will have the surprise of his life. (*This is the second part...