chapter 1: start

16.2K 409 22
                                        

Chapter 1: start

Roshan POV

“Blair! Tama na yang pagpapaganda mo! Baka mamaya magmukha ka nang espasol jan!” sigaw ni Micla.

Its been about 3 months since we parted, talking about Pearl and Nicolo. It’s really hard for me to understand them why they have to leave. I know hindi rin naman nila iyon kagustuhan, but hindi ba naaawa sa akin si Author? Pangalawang beses. Pangalawang beses na akong iniwanan ng matalik kong kaibigan. Wala pa din akong balita ngayon kay Nicolo. Umalis sya ng wala man lang pasabi. Si Pearl naman, nakakatext ko pa din naman.

“eto na! eto na! lalabas na nga oh!” sigaw pabalik ni Blair

Anong meron ngayon? Picture taking lang naman namin for our ID. Sa wakas magkaka ID na din! Plus, that means, we can get our own rooms.

Sa nakalipas na 3 months dito sa Academy, mas nagging maayos ang samahan naming lahat. Wala nang alitan sa pagitan nila Micla at Amber. Yup! Nagkabati na sila. Si Blair naman, ayun pinupush nya talagang mapalapit kay Alex. Minsan nga nakikita ko yung maarteng side nya eh.

Nandito na pala kami sa lugar kung saan kami magpapakuha ng ID. Kakaunti na ang nakapila, marahil ay tapos na ang iba. Eto kasing si Blair eh, kung makapagayos sa sarili akala mo paghahanda na sa paglaban nya sa miss universe eh.

“tara na! pila na tayo!”

Nauna ako sa pila. Syempre dapat ihuli ang legendaries. Alam nyo bang kinaiinggitan ako at the same time medyo takot silang lumapit sa akin? kasi naman ako lang ang kaclose ng mga legendaries? Haha ang astig no? takot sila sa akin kasi baka resbakan sila ng legendaries.

Pagpasok naming sa loob ng room, nakita namin doon ang secretary ng headmaster. Yung secretary na nakita ko nung nag confess ako tungkol sa element ko sa headmaster. Nung lumapit ako, agad syang nagsalita.

“magpunta kayo sa training room. Puntahan nyo ang isang room na naaayon sa element nyo. Kapag napalabas nyo ng ayos ang element nyo, your ID’s will eventually appear. Makikita nyo sa likurang bahagi ng ID na iyon ang room number nyo na makikita nyo sa third floor pataas.

Haist. Dapat kanina pa lang sinabi na nila. Ayan tuloy kelangan pa naming pumunta sa training room. Sa halip sana na dumeretso na kami doon eh. 

***

“Roshan! Pano yan? Wala namang room ang mga may element ng Psychometry? “ Micla

Oo nga no? hindi naman kasi ganoon ka special ang Psychometry. It is only used for gathering information for some investigations. Kaya walang special room ito. Pano ko makukuha ang ID  ko?

“baka pwede namang mag enter ka ng isang room or manghigit ka na lang ng isang tao tapos tingnan mo ang info’s nila?” suggestion ni Blair.

“sige! Pero, sino naman ang hihigitin ko?” tanong ko sa kanila. Kaso lahat sila ay umiwas ng tingin sa akin. Yng totoo? Mag sa-suggest kayo tapos iiwasan nyo ako ng tingin!?

EA II: Battle Between Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon