chapter 25: she's back

6.3K 246 32
                                        

a/n: hi readers! hindi ako makatulog eh kaya napagpasyahan kong mag update ng napaka aga haha. sa mga nagtatanong kung bakit 'he' yung title nung chapter 24, intended kasi na para kay Nicolo ang chapter na yon but it looks like nasapawan ata ng pagbabalik ng matakaw na nilalang haha. so, enjoy reading and don't forget to comment and vote! thanks ^_^

Chapter 25: she’s back

Nicolo’s POV

 

“bestfriend?”

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Is she really Roshan? Unti unti siyang tumayo at agad ko naman siyang nilapitan. I pinch her arms and she planted death glares on me. inikot ko siya and no doubt, she really is Roshan.

Niyakap ko sya ng mahgpit na ikinagulat naman niya. Wala akong pake, namiss ko ito eh. Ay nako pepektusan ko talaga ang barkada! Sabi nila patay na daw si Roshan! Eh bakit nandito sya sa harap ko at humihinga?

“Roshan! San ka ba nagpunta hah!?” tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya.

Inialis niya ang sarili niya sa power hug ko. Tiningnan niya ako na para bang sinusuri niya ako.

“ikaw si Nicolo?” tanong niya. Tss, ang batang ito talaga, kelan pa ito nagging makakalimutin? ang mga taong may mukhang ganito na sobrang gwapo ay mahirap kalimutan. haha.  Tumango na lang ako in response.

“tara na! punta tayo sa tree house! Tiyak na matutuwa ang barkada pag nalaman nilang buhay ka!” masayang sabi ko at nag hop pa ako paalis ng garden pero paglingon ko hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.

“oy! Tara na! ayaw mo ba silang Makita?” tanong ko sa kanya ng may pagtataka kaya nilapitan ko ulit sya. Sumimangot sya, no umm, parang nagpapacute na ewan?

“Nicolo, gutom na ako” -_-

Dahil dito, dinala ko muna siya sa cafeteria. Saktong puro may klase ngayon kaya kakaunti lang ang tao sa cafeteria. Umupo na kami sa isang table. Nakita ko siyang parang lumilingon lingon pa. para ba siyang may hinahanap.

“uy, saan ba na order dito? Bakit parang walang tinda?” tanong pa niya. Huh? Hindi niya alam kung pano nagana ito?

I clicked the button and the menu appeared. Nagulat siya dito na para bang first time niyang makakita ng ganito.

“wow! Ang dami, pero pano ko oorderin to? Wala namang waitress na nagala eh” innocenteng tanong niya. Ano bang meron at parang napaka clueless niya?

Ako na lang ang pumindot at sinabi ko sa kanyang panoorin akong maige para next time sya na ang kukuha ng pagkain niya. Manghang mangha siya. Pinindot niya ang spaghetti, burger, peach mango pie, mango float, grahams, red velvet, buchi, fries, at burger steak pati sundae. Matapos noon ay napalunok ako sa gulat.

Nang makarating na ang order niya ay agad niya itong kinain. Naubos niya agad ang pagkain sa loob lang ng 25 min. woah. Si Roshan nga ito, malakas kumain.

EA II: Battle Between Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon